Kitchie Nadal ‘relevant’ pa rin sa Gen Z, bakit kaya tuwang-tuwa kay Zild?
“IT’S really encouraging for me to continue making music!”
Ito ang inihayag ng iconic singer-songwriter na si Kitchie Nadal matapos siyang tanungin ng ilang entertainment press patungkol sa kanyang reaksyon na maraming kabataan ang nakikinig at nakakarelate pa rin sa kanyang mga kanta.
“Siyempre, natutuwa ako [kasi] parang it’s encouraging for me to write songs and nagugulat din ako kasi it resonates to the new generation, and I guess that’s the reason why nagkakaroon kami ng maraming inquiries,” pag-amin niya sa isang press conference recently para sa kanyang upcoming anniversary concert na mangyayari sa susunod na buwan.
Kwento pa niya, “Like last time, I had a US tour late last year and nagugulat din ako kasi may mga batang nanonood and they tell me nga na they like the songs. It’s really encouraging for me to continue making music.”
Baka Bet Mo: Kitchie Nadal excited na sa anniversary concert, ano ba ang aabangan?
Nang tanungin naman siya kung sino sa mga younger generation ng music artists ang nagre-resonate sa kanya.
Ang kanyang sagot ay ang singer at bokalista ng bandang IV of Spades na si Zild Benitez.
“Kasi ‘yung music niya –for some reasons, may naririnig akong parang ‘nung time namin…merong Rivermaya na Radiohead sound, pero mas modern,” sambit ni Kitchie.
Patuloy niya, “Basta gusto ko ‘yung mga songs niya. Sa ngayon, hindi ko maalala ‘yung mga title, pero kapag nakikinig ako sa kanya, pinapakinggan ko talaga lahat.”
“Parang nakikita ko sarili ko sa kanya sa music niya,” ani pa ng batikang mang-aawit.
Nabanggit din sa presscon kung ano-ano ang mga ipinagbago sa future releases ni Kitchie kumpara sa mga naunang single niya.
“Parang may conscious effort to be more ‘positive’…mas light na siya, hindi na siya heartbroken,” pagbubunyag niya.
Wika pa ng singer, “I guess, I just want my songs to be more authentic with my season now that I’m a mom and now I have a husband, so relatable pa rin to my audience.”
Sa exclusive interview naman ng BANDERA with the one and only Kitchie, naitanong namin sa kanya kung ano ‘yung mga bagay na sana ginawa na niya noon.
Wika niya, “Siguro, I wish I did more collaborative work. [Kasi] I feel like when you work with other artists, you also learn from them. So I wish I did that.”
Kasunod niyan, ni-reveal niya sa amin ang kanyang sikreto upang tumagal sa music industry.
“Hindi ako ‘yung type na labas lang ng labas. It’s important for me to take a break and make sure na ‘yung ilalabas ko na music, [hindi lang basta-basta]. More like in quality,” chika niya.
Dagdag pa ng celebrity mom, “I enjoy the journey, ayun –even from arranging it with my band, from rehearsing, from recording, I enjoy it.”
“Kasi now, I have to be wise with my time. Hindi tulad noon na kapag single ka, you have all the time in the world. But now, I’m very strict with my time,” aniya pa.
Dahil diyan, nagbigay na rin siya ng mensahe para sa mga bagong artists, “Just keep playing and enjoy it while you can before getting married and having kids.”
Samantala, ang “SAME GROUND: Kitchie Nadal’s 20th Anniversary” ay nakatakdang mangyari sa New Frontier Theater sa Cubao, Quezon City sa darating na June 2.
Ang tickets para sa concert ay mabibili sa lahat ng Ticketnet outlets nationwide, pati sa kanilang website.
Ang presyo sa show ni Kitchie ay nagkakahalaga mula P1,200 hanggang P4,000.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.