‘Final Destination’ 25 yrs na: May ‘deathstream’, bagong pelikula

‘Final Destination’ 25 years na: May libreng ‘deathstream’, bagong pelikula

Pauline del Rosario - March 24, 2025 - 04:46 PM

‘Final Destination’ 25 years na: May libreng ‘deathstream’, bagong pelikula

PHOTO: Courtesy of Warner Bros. Pictures

SA mga horror fans diyan, handa na ba kayo sa pinakamalupit na throwback?

Sa pagdiriwang ng ika-25th anniversary ng sikat na horror franchise na “Final Destination,” inilunsad ng Warner Bros. Pictures ang isang kakaibang livestream na tiyak na magpapakilabot sa inyo—ang Deathstream!

Kung matatandaan, March 2000 nang unang ipinalabas ang nasabing horror movie na pinagbidahan nina Devon Sawa at Ali Larter.

At bilang bahagi ng selebrasyon, babandera sa Deathstream ang 25-minute compilation video na ipinapakita ang iconic deaths sa buong Final Destination franchise!

Baka Bet Mo: Dakota Johnson, Chris Evans, Pedro Pascal love triangle sa ‘Materialists’

Ito ay libre lang at mapapanood mismo sa YouTube channel ng Warner Bros.

Kung akala mo tapos na ang bangungot, nagkakamali ka!

Sa darating na Mayo, magbabalik si Kamatayan upang habulin ang bagong henerasyon ng biktima sa “Final Destination Bloodlines.”

Dito, makikilala natin si Stefanie, isang college student na binabagabag ng isang madugong bangungot.

Sa desperasyon niyang putulin ang sumpa, babalik siya sa kanilang bayan para hanapin ang taong maaaring makatulong sa kanya bago mahuli ang lahat.

Ang bibida riyan ay sina Kaitlyn Santa Juana at Teo Briones na parehong may dugong Pinoy.

Makakasama rin nila sa pelikula sina Richard Harmon, Owen Patrick Joyner, Anna Lore, Rya Kihlstedt, Brec Bassinger, at ang yumaong horror legend na si Tony Todd.

Mula sa mga freak accident hanggang sa mga nakakakilabot na pagkamatay, ang “Final Destination” ang patunay na walang takas sa kapalaran, lalo na kung si Death na mismo ang may hawak ng script ng buhay mo.

Ang “Final Destination Bloodlines” ay ipapalabas sa mga lokal na sinehan sa May 14.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending