Kitchie Nadal excited sa anniversary concert, ano ang aabangan?

Kitchie Nadal excited na sa anniversary concert, ano ba ang aabangan?

Pauline del Rosario - May 26, 2024 - 09:18 PM

Kitchie Nadal excited na sa anniversary concert, ano ba ang aabangan?

PHOTO: Courtesy of Sean Jimenez

MALAPIT na ang homecoming concert ng iconic singer-songwriter na si Kitchie Nadal!

Excited na ba ang maraming fans diyan?

Siguradong pure nostalgia, throwback memories at trip down to memory lane ang babandera sa “SAME GROUND: Kitchie Nadal’s 20th Anniversary” na mangyayari sa New Frontier Theater sa Cubao, Quezon City sa darating na June 2.

Noong May 23, nagkaroon ng press conference ang batikang singer at inamin niyang nasasabik na rin siya sa kanyang upcoming show kaya todo ang paghahanda nila ng kanyang banda para rito.

Baka Bet Mo: Barbie, Aia, Acel, Monty ka-join sa anniversary concert ni Kitchie Nadal

“We’re focusing on the anniversary concert, so hindi rin kami masyadong naggi-gig…for our concert, just expect that we’ll be performing songs from the first album to the last release of our song and I will be sharing the stage with my friends from the music industry,” pagbubunyag niya.

rebelasyon pa niya, “‘Yung iba sa kanila, mga ka-batch ko, may iba din na mga new generation.”

Nakachikahan din ng BANDERA si Kitchie at nausisa namin kung sino-sino pa ang mga guest performers niya maliban sa nauna niyang inanunsyo na sina Barbie Almalbis, Aia de Leon, Lougee Basabas, Hannah Romawac, Acel Bisa, at Monty Macalino ng bandang Mayonnaise.

“Sige sabihin ko [na]–si Jarlo [Base] and Keiko Necesario. Mga young ones,” sagot niya sa amin.

Nang tanungin naman namin siya kung manonood din ba ang buong pamilya niya, ang sabi niya sa amin: “Actually no. Just my mom…and [my] siblings [will] also [be] there.”

At bilang nabanggit nga niya sa presscon na mga old songs ang kanyang kakantahin sa concert, naging curious kami kung ano ba ang favorite song niya mula sa kanyang releases.

Para kay Kitchie, ito ang kantang “Bulong.”

“Kasi I feel like ‘yung message ‘nun is still encouraging and I feel like na ‘yun ang gusto ko pa rin na message ko for myself and for other people,” paliwanag niya.

Tila sinulit na rin ng singer ang pagharap niya sa entertainment press at nagkaroon pa siya ng exclusive music show bilang pa-sample para sa anniversary show.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Maliban sa “Bulong,” kinanta niya sa harap ng piling media ang mga iconic songs niya kagaya ng “Huwag na Huwag Mong Sasabihin” at “Para Lang Sayo.”

Ang tickets para sa “SAME GROUND” concert ay mabibili sa lahat ng Ticketnet outlets nationwide, pati sa kanilang website.

Ang presyo sa show ni Kitchie ay nagkakahalaga mula P1,200 hanggang P4,000.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending