Kitchie, Barbie, Hannah, Aia, Acel, Lougee babandera sa ‘Tanaw Collective’
BAGO ang kaabang-abang na repeat concert sa susunod na buwan, opisyal nang inilunsad ng Pinay rock queens na sina Acel Bisa, Aia de Leon, Barbie Almalbis, Hannah Romawac, Kitchie Nadal, at Lougee Basabas ang kanilang bagong supergroup na tinatawag na “Tanaw Collective.”
Ang layunin ng kanilang grupo ay para ibandera ang lakas ng mga kababaihan sa music industry.
Ito’y sa pamamagitan ng ilang pasabog na proyekto, kagaya ng collaborative music releases, live performances, at iba pang malikhaing pakikipagtulungan na nagbibigay-pansin sa boses ng mga kababaihan sa larangan ng sining at musika.
Inumpisahan na nila ‘yan at nakatakda silang mag-release ng kauna-unahang official single.
Baka Bet Mo: Barbie, Kitchie, Aia, ilan pang Pinoy rock queens nagsanib-pwersa sa bagong single na ‘Talinghaga’
Ito ang kantang “Landslide” na mapapakinggan sa lahat ng digital music platforms sa buong mundo simula January 31.
Isang kakaibang bersyon ng sikat na kanta ng Fleetwood Mac ang “Landslide” na nirecord mismo ng mga miyembro ng grupo at nilapatan ng husay sa mixing/mastering ni Angee Rozul.
Pero hindi lang yan! Mapapakinggan nang live ang espesyal na arrangement ng “Landslide” sa paparating na “Tanaw: The Repeat” concert na gaganapin sa Newport Performing Arts Theater sa Pasay City sa February 9, 8 p.m.
Kamakailan lang, nagkaroon ng media launch at presscon ang OPM rock queens at doon nila chinika ang ilan sa mga aasahan sa kanilang show.
“I think, this concert kasi, we have a lot of surprises in store for everyone. And a very special collaboration with Manila String Machine. And of course, we have new songs to perform, songs that we have produced and composed together as a collective. So that’s something to look forward to,” excited na sinabi ni Lougee.
Nang tanungin naman sila patungkol sa proseso ng paggawa ng kanilang kanta.
Ang sagot diyan ni Lougee: “We are all storytellers ‘di ba. We all have stories to tell. Sometimes we talk about our own stories, sometimes we talk about other people’s stories.”
“So ‘yun, I think that is one thing that unites all of us. We have this passion for storytelling and infusing music in that story,” aniya pa.
Ayon sa naunang pahayag, ang concert ay isang pasasalamat mula sa anim na iconic singers para sa kanilang fans na patuloy na sumusuporta sa kanilang musika.
Ito na ang ikatlong pagkakataon na magsasama-sama ang anim na solo artists matapos ang kanilang matagumpay na naunang reunion concert at thanksgiving show.
Ang presyo ng tickets ay mula P1,800 hanggang P6,300 na mabibili sa https://tanawtherepeat.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.