Biik na isinilang sa Negros 'Kalokalike' ng tao, katunog ng baby

Biik na isinilang sa Negros ‘Kalokalike’ ng tao, katunog din ng baby

Ervin Santiago - January 29, 2025 - 12:50 AM

Biik na isinilang sa Negros 'Kalokalike' ng tao , katunog din ng sanggol

Photo screenshot from GMA Newsfeed

SHOOKT ang isang residente sa Tanjay City, Negros Oriental nang makita ang itsura ng isang biik na isinilang ng pag-aari niyang inahing baboy.

Magkahalong pagkagulat at takot ang naramdaman ni Alfredo Cardinas, Jr. nang tumambad sa kanyang harapan ang biik na tila may mukha ng tao.

Base sa video ng GMA Newsfeed, may walong biik na isinilang ang alagang baboy ni Alfredo. At ang pang-apat umanong lumabas na sanggol na baboy ay parang kamukha ng sa tao. May tunog din daw ito ng tila sa isang tao.

“Noong nakita ko natakot ako. Narinig ko yung tunog niya at na-shock ako sa tunog. May tunog siya na ‘O,’ ganu’n. Tunog bata siya,” ang pahayag ni Alfredo sa naturang ulat.

Sabi pa sa video, parang hindi rin daw kumpleto ang ilang bahagi ng mukha ng biik ngunit buhay pa ito nang ipanganak samantalang ang pito pang kapatid nito ay normal naman ang itsura.

Ngunit sa kasamaang-palad, makalipas ang apat na oras mula nang isilang ay namatay din daw ang biik. Inilibing agad ito nina Alfredo.

Baka Bet Mo: Priscilla Meirelles suportado ng anak ni John Estrada na si Inah de Belen: Love you!

Kuwento pa ng may-ari ng nanganak na inahing baboy, hindi ito ang unang beses na nagsilang ng biik na may kakaibang itsura ang kanyang alaga. May pagkakataon daw na nagkaanak ito ng biik na tila may pakpak.

Sa interview naman ng GMA sa isang beterinaryo, maaaring premature ang biik na may mukha ng parang sa tao. Posible rin daw na nagkaroon ng abnormality sa pagbubuntis ng inahing baboy.

Pinabulaanan naman nina Alfredo ang kumalat na tsismis na may nakakita raw na may ibang hayop na nakabuntis sa pag-aari niyang inahing baboy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending