Gladys Reyes humirit: Importanteng meron kang ‘masarap’ na asawa!

Christopher Roxas, Gladys Reyes, Vina Morales, Eugene Domingo at Carmi Martin
BONGGA agad ang pasok ng mga blessings ngayong 2025 sa La Primera Contravida ng kanyang henerasyon na si Gladys Reyes.
In fairness, kung may isang sikat na celebrity na hindi nakakalimot magpasalamat at nagbibigay pagpapahalaga sa mga friends niya sa showbiz press, yan ay walang iba kundi si Gladys at ang pinakamamahal niyang mister na si Christopher Roxas.
Kahit na nga raw social media na ang masasabing in ngayon at ang priority ng maraming celebrities, naniniwala pa rin si Gladys sa powers ng mainstream media.
Sa katunayan, inimbitahan ng mag-asawang Gladys at Christopher ang ilang kaibigan nila sa entertainment media para magpasalamat sa lahat ng suporta at tulong na patuloy na ibinibigay sa kanilang pamilya.
Ipinatikim nila sa amin ang mga pambatong putahe sa bagong branch ng kanilang That’s Diner restaurant na matatagpuan sa BrickRoad, Sta. Lucia Mall sa Cainta, Rizal.
Baka Bet Mo: Hirit ni Gabby kay Marian: Masarap kasama yan dahil laging nagpapakain!
Kabilang sa nilafang namin ay ang mga specialty ni Chef Christopher tulad ng iba’t ibang version ng bulalo na may kanya-kanyang twist na talaga namang super yummy, lalo na ang kare-kare bulalo na napakasarap kahit walang bagoong.
View this post on Instagram
Winner na winner din ang kanilang dinakdakan na parang elevated and pinasarap na version ng sisig na naging instant favorite raw ni Vice Ganda. Authentic daw ang lasa at hindi lasang fake.
Napaka-yummy din ng kanilang grilled bangus with Bicol express at ang personal bet naming sizzling chicken with gravy. Kaya promise namin kina Gladys at Christopher, babalik kami sa That’s Diner with our family and friends.
Bukod sa napakasarap na mga lafang, may mga paandar na gimik rin sila sa That’s Diner tulad ng kanilang Valentine promo at bonggang buffet. Meron din silang video nights para sa mga mahihilig kumanta.
Pa-playtime namag natanong si Gladys kung gaano ka-sizzling o gaano kainit at kaanghang ang pagsasama nila ni Christopher as a couple?
“Alam mo in our 32 years of togetherness, I think ano, hindi naman, eto, it works for us, pero I think, para sa akin, ano, sa mga nagtatanong, ‘Ano ang sikreto?’
“Siyempre parang…hindi naman sikreto talaga. Pero importante meron kang masarap na asawa!” ang bonggang chika ni Gladys.
“O, teka lang! Masarap in such a way na masarap magluto, masarap magmahal, masarap mag-asikaso. So in totality, masarap ng asawa,” natatawang paliwanag ng premyadong aktres.
Kasunod nito ay si Christopher naman ang inusisa kung gaano kasarap na asawa si Gladys. Agad na sumingit si Gladys ng, “Magmahal! Masarap daw ba o maanghang?”
Napailing at napangiting sagot ni Christopher, “Pareho!”
Samantala, bukod sa kumikitang mga kabuhayan, inuulan din ng blessings ang showbiz career ni Gladys dahil magkakaroon uli siya ng teleserye sa GMA 7, ang “Cruz vs. Cruz” kung saan makakasama niya ang nagbabalik-Kapuso na si Vina Morales.
Aside from this, may dalawa pa siyang pelikula para sa Netflix na ipalalabas ngayong 2025. Natapos na raw nila yung isa at sisimulan pa lamang ang ikalawang movie.
At siyempre, in-announce rin ni Gladys officially ang kanyang Gladys Reyes Channel sa YouTube na may titulong “Glad To Be With You”
Uploaded na rito ang interview niya kina Eugene Domingo at Carmi Martin at vert soon ay mapapanood na rin ang vlog niya with Maricel Soriano, Ryan Bang at marami pang iba.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.