Gladys ayaw gumanap na kabit; ikinumpara si Christopher sa bulalo

Gladys Reyes at Christopher Roxas
IKINUMPARA ng award-winning actress at TV host na si Gladys Reyes ang asawang si Christopher Roxas sa classic bulalo na bestseller sa pag-aari nilang That’s Diner.
Talagang binabalik-balikan ng mga customers ang iba’t ibang version ng bulalo sa resto (located at BrickRoad, Sta. Lucia Mall, Cainta, Rizal) ng celebrity couple na mula mismo sa creative mind ni Chef Christopher.
Nakachikahan ng BANDERA at ng ilang piling members ng entertainment media sina Gladys at Christopher sa pa-thanksgiving nila para sa mga kaibigan nila sa press kung saan isa-isa nilang ipinalafang ang kanilang mga pambatong putahe.
Natanong si Gladys kung sa anong specialty ng That’s Diner niya ihahaluntulad si Christopher, “Classic bulalo! Kasi siyempre, di ba, ang bulalo ay talagang lagi iyang gusto talaga natin. Kasi mainit yung sabaw, di ba?
Baka Bet Mo: Gladys Reyes humirit: Importanteng meron kang ‘masarap’ na asawa!
“At saka siyempre, nare-refresh tayo kapag tayo ay kumain niyan. At higit sa lahat, siyempre ito yung all-time favorite ko, e. Classic bulalo!” aniya pa.
View this post on Instagram
Sundot na tanong kung mahilig ba talaga siya sa karne? “Ay! Hindi naman! Siyempre, mas gusto ko yung bone marrow,” sambit ng premyadong aktres.
“Bilang awa naman ng Diyos, tayo naman ay healthy pa at walang mga mainte-maintenance. So, sinasamantala natin na ma-enjoy pa yung collagen ng bone marrow, di ba?
“Ang maganda sa bulalo namin, parang si Christopher din, very versatile. Puwede siya minsan sizzling bulalo.
“Puwede rin naman siya minsan kare-kareng bulalo which is my personal favorite dahil Kapampangan ako.
“At puwede rin siya minsang bulalo pares… Ay! Talaga namang napaka-versatile ng katulad din ng pagmamahalan namin ni Christopher.
“Parang siya nga. Puwede siya minsang sizzling, puwede siyang classic lang. Puwede naman minsan, pares, ganu’n?” sey pa ng La Primera Contrabida.
Samantala, naikuwento rin ni Gladys na very soon ay magsisimula na ang taping para sa bagong drama series ng GMA 7 na “Cruz vs. Cruz” kung saan makakasama niya for the first time ang nagbabalik-Kapuso na si Vina Morales.
“First time ko naman to work with Vina Morales sa isang serye. So, abangan niyo dahil teleserye ito, kaabang-abang ang mga, kumbaga, intense na eksena with Ate Vina,” ani Gladys.
Makakasama rin nila rito sina Neil Ryan Sese, Kristoffer Martin, Liezel Lopez, Pancho Magno, at Elijah Alejo, mula sa direksyon ni Gil Tejada.
Nang mausisa kung ano ang magiging role niya rito at kung sinu-sino naman ang mga sasampalin niya sa serye, “Ayokong sabihin kung ako ba yung sasampalin o siya. Uy, di ba?
“Isa pa yun sa excited ako, kasi I think isa ito sa magiging memorable talaga sa akin, kasi imagine title role kami ni Ate Vina. So, Cruz vs. Cruz, di ba?” saad pa ni Gladys.
Basta ang masasabi lang niya about the story, “Si Vina kasi is the common-law-wife. Ang masasabi ko lang, ang yabang ko dito sa Cruz vs. Cruz kasi ako ang pinakasalan.”
So, hindi siya kabit sa kuwento? “Hindi! Ako pa ba papayag na syobit, hindi! Tsaka ano, eh, minsan kasi parang iniiwasan ko rin, kasi ang mga anak ko nakakapanood din.
“Parang sa akin kasi, lalo na kung alam mong meron nang nagmamay-ari, di ba? Ang dami-dami namang lalaki,” chika pa ng napakagaling na kontrabida.
“Basta secret muna (kung masama o mabuti ang role), kasi, di ba, sanay na sanay sila na salbahe ako. E, tingnan natin kung ano bang nasa isip ng GMA,” sey pa ni Gladys.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.