Gabby kay Marian: Masarap kasama yan dahil laging nagpapakain

Hirit ni Gabby kay Marian: Masarap kasama yan dahil laging nagpapakain!

Ervin Santiago - April 09, 2024 - 08:40 AM

Hirit ni Gabby kay Marian: Masarap kasama yan dahil laging nagpapakain!

Gabby Concepcion, Marian Rivera at Raphael Landicho

NAG-UUMAPAW sa chemistry at kilig ang tambalang Marian Rivera at Gabby Concepcion na napapanood sa GMA Prime series na “My Guardian Alien.”

Waging-wagi sa ratings game ang pilot week ng comeback series ni Marian kaya naman tuwang-tuwa ang buong cast and production sa napakainit na pagtanggap sa kanila ng manonood.

Baka Bet Mo: Elisse: Yung matagal ko nang hinahanap nakita ko na sa pagiging ina, masarap talaga sa feeling…

Ayon kay Gabby, nagpapasalamat siya kay Marian dahil sa wakas ay natuloy na rim ang long-overdue plan ng GMA 7 na pagsamahin sila sa isang protect.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Una sanang magsasama sina Gabby at
Marian sa “First Yaya” pero hindi ito natuloy dahil tumanggi ang wifey ni Dingdong Dantes na mag-lock in taping. Natatakot kasi ang aktres para sa kalusugan ng kanyang mga anak noong kasagsagan pa NG pandemya.

Napunta kay Sanya Lopez ang “First Yaya” at in fairness, naging successful naman ang unang pagtatambal ng dalaga at ni Gabby. Sa katunayan nagkaroon pa ito ng sequel titled “First Lady.”

Sey ni Gabby, feeling lucky and grateful siya sa pagtatambal nila ni Marian, “Well, ever since, I’ve been very supportive of the entire cast, kung anong ipagawa sa akin ay gagawin ko.”

“Ayaw ko ngang umiyak, eh, pero pinaiyak ako ni Direk (Zig Dulay). I’m just here to support Marian sa pagbalik niya at para matuto kay direk sa kagalingan niya at sa kagalingan ng mga cast namin,” lahad ng Ultimate Leading Man.

Papuri pa ni Gabby kay Yanyan, “Masarap kasama yan dahil laging nagpapakain yan.

“Marian, maraming salamat sa iyong kabaitan sa aming lahat. Masaya at masarap katrabaho,” dagdag pa ng aktor.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Para naman sa Sparkle GMA Artist Center child star na si Raphael Landicho, parang second mother na raw niya si Marian kapag nasa set sila ng “My Guardian Alien.”

“Bilang nanay (ko sa serye) si Ate Yan ay masaya. Basta masaya. Totoo yung sinabi ni Kuya Gabby na lagi kaming inaalagaan ni Ate Yan. Lagi kaming busog sa set siyempre,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Nu’ng una po (nape-pressure) pero nu’ng patagal na nang patagal nung taping, nagiging kumportable na po ako kay Ate Yan,” sey pa ni Raphael.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending