Marian gaganap na alien; Bea, Carla, Gabbi paistaran sa ‘Widow’s War ng GMA
KAABANG-ABANG ang mga inihandang pasabog ng GMA Network para sa lahat ng mga Kapuso all over the universe sa darating na 2024!
Ibinandera na ng GMA ang ilan sa mga proyektong dapat abangan ng mga manonood sa susunod na taon at kabilang na nga riyan ang pinakahihintay na pagbabalik ni Marian Rivera sa primetime.
Ito ay ang fantasy-drama series na “My Guardian Alien” kung saan makakasama ng Kapuso Primetime Queen ang Ultimate Leading Man na si Gabby Concepcion.
View this post on Instagram
Inilabas na ang trailer nito sa “24 Oras Weekend” nitong nagdaang Sabado kung saan tila gaganap si Marian na isang alien. May madramang eksena naman si Gabby sa naturang teaser.
Tuloy na tuloy na rin ang bagong teleserye na pagbibidahan ni Bea Alonzo sa GMA 7 pagkatapos ng matagumpay nilang proyekto ni Dennis Trillo na “Love Before Sunrise.”
Makakasama ni Bea sa “Widow’s War” sina Gabbi Garcia at Carla Abellana. Sa teaser nito ay mukhang mapapalaban ang tatlong aktres sa mga intense confrontation scene.
Baka Bet Mo: Jodi Sta. Maria matindi ang paghahanda sa bagong project, ibinandera ang malupit na training sa paglangoy
Sa 2024 din nakatakdang umere ang upcoming historical drama ng GMA na “Pulang Araw” na pagbibidahan nina Barbie Forteza, Sanya Lopez, David Licauco at Alden Richards.
“Nakita niyo naman, umpisa pa lang wala pang pinapakita na kahit na sinong character sa amin, talaga namang kaabang-abang na at talagang nae-excite kami kahit kami nina Barbie na gawin talaga namin ito,” pahayag ni Sanya sa panayam ng GMA.
Matinding paghahanda na rin ang ginagawa ngayon nina Alden, Barbie at David, kabilang na ang magiging transformation ng kanilang mga itsura.
Mapapanood din next year ang family drama na “Asawa ng Asawa Ko” starring Jasmine Curtis-Smith, Liezel Lopez at Rayver Cruz.
View this post on Instagram
“First time kong makakatrabaho parehas sina Liezel Lopez at Ms. Jasmine Curtis. Napakahusay, napakagaling. Hindi siya ‘yung tipikal na agawan serye na alam nila.
“Kakaibang love story, maaksyon, madrama, may puso, makapamilya, ang daming nangyari and excited na ako na mapanood nila,” chika ni Rayver.
Baka Bet Mo: Celine Dion may bagong album matapos ang apat na taon
At para sa mga fans ng Kapuso Ultimate Star na si Jennylyn Mercado, huwag na kayong mainip dahil sa pagpasok ng 2024 ay mapapanood n’yo na ang pagbabalik niya sa primetime.
Makakasama ni Jen sa “Love. Die. Repeat” ang ex-boyfriend ni Kim Chiu na si Xian Lim. Kuwento ito ng isang babaeng gagawin ang lahat para sa kanyang minamahal.
Meron siyang kakayahang ibalik ang oras at ang tangi niyang nais mangyari ay ang maayos ang relasyon nila ng kanyang asawa bago sila tuluyang magkahiwalay.
Mapapanood ba ang “Love. Die. Repeat” at “Asawa ng sawa Ko” simula sa January 15.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.