Madam Inutz, Ima Castro, Vin Abrenica kanya-kanyang pasabog sa pa-birthday bash ni Genesis Gallios; Xian Lim pinagkaguluhan sa 'concert' | Bandera

Madam Inutz, Ima Castro, Vin Abrenica kanya-kanyang pasabog sa pa-birthday bash ni Genesis Gallios; Xian Lim pinagkaguluhan sa ‘concert’

Ervin Santiago |October 02,2022
facebook
share this

Madam Inutz, Ima Castro, Vin Abrenica kanya-kanyang pasabog sa pa-birthday bash ni Genesis Gallios; Xian Lim pinagkaguluhan sa ‘concert’

Ervin Santiago - October 02, 2022 - 11:52 AM

Genesis Gallos, Xian Lim at Vin Abrenica

KA-VOGUE na ka-vogue ang naging selebrasyon ng kaarawan ng entertainment guru at tinaguriang Queen of Entertainment Bar na si Genesis Gallios kagabi.

Grabe! As in bonggang-bongga ang mga production numbers na inihanda ni “Mama Gen” para sa kanyang mga kapamilya at kaibigan in and out of showbiz na dumalo sa kanyang birthday concert.

Ginanap ito last night, October 1, sa Centennial Hall ng Manila Hotel na may titulong “Reign”. Tumagal nang halos tatlong oras ang programa handog ng Gergall Events and Talent Management, sa direksyon ni Mak de Leon.

View this post on Instagram

A post shared by Madam Inutz (@daisyinutz)


Bukod sa pasabog na production number ni Mama Gen in full drag costume, agaw-eksena rin ang inihandang sorpresa nina Xian Lim, Vin Abrenica, Madam Inutz at Ima Castro para sa lahat ng bisita.

Hataw kung hataw din ang Junior New System, Pink Mannequins, Gents Squad at Breezy Boys with pasabog na underwear fashion show pa tampok ang mga kaibigang male models ni Mama Gen.

In fairness, walang dull moments ng birthday bash ni Mama Gen dahil lahat nga ng inimbitahan niyang special guests and performers ay tumodo sa kanilang production numbers.

In fact, napasayaw din kami at ang iba pang miyembro ng entertainment press habang nagpe-perform ang mga special guests ni Mama Gen.

Sinimulan ni Vin Abrenica na napakaganda rin pala ng boses at hanep din sa paghataw on stage. May pa-bonus pa siya sa audience dahil nag-topless din ang hunk actor habang nagpe-perform.

Pinalakpakan naman nang bonggang-bongga ang mga birit numbers ni Ima Castro na wala pa ring kupas ang boses lalo na ng kinanta na niya ang “Shine.” Nakisabay pa nga ang mga bisita habang bumibirit siya.

Parang nag-concert na si Xian Lim kagabi dahil sa dami ng kanyang kinanta (medley). Pinagkaguluhan din siya ng mga guests dahil talagang bumaba siya sa stage para lapitan ang bawat table sa Centennial Hall ng Manila Hotel.

View this post on Instagram

A post shared by Alexander Xian Lim (@xianlimm)


Mukhang sanay na sanay na nga ang boyfriend ni Kim Chiu sa mga ganitong events dahil bukod sa pagkanta, marunong na rin siyang magpakilig at mag-entertain ng audience. Hindi na kami magtataka kung isang araw ay concert na ang ipino-promote ng binata.

Riot naman ang number ni Madam Inutz kung saan kinanta niya ang hit song niyang “Inutil.” Tuwang-tuwa sa kanya ang audience habang mura nang mura with her signature punchline na, “O, jiva!”

View this post on Instagram

A post shared by Vin Abrenica (@vinabrenica)


Winner na winner din ang dating “Pinoy Big Brother Kumunity Season 10” housemate dahil ang daming nagbigay sa kanya ng “tip” habang umiikot sa venue.

Sa kalagitnaan ng event, ibinandera naman ang pagsisimula ng operasyon ng Gergall Events and Talent Management kasabay ng pagpapakilala sa mga taong magiging bahagi ng pagpapatakbo nito.

Ipinasilip sa isang video presentation ang mga naka-line up na projects at ang ilang mga bagong talents ng Gergall Talent Management.

Todo naman ang pasasalamat ng birthday celebrator sa pagtatapos ng kanyang “Reign” birthday pasabog. Aniya, itinuturing niya itong dream come true at forever nang tatatak sa kanyang puso’t isipan.

Si Mama Gen ay kilala ring director, producer, pageant host at co-owner ng Apollo World Class Male Entertainment & KTV Bar at The One 690.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Happy, happy, happy birthday uli Mama Genesis!!!

Vin kay Sophie: Naka-short shorts, nakataas ‘yung legs na parang, ‘Uy, nakikitaan ka na ng kaluluwa!’

Donny, Belle totoong-totoo ang ‘relasyon’, magkasabay na nagma-mature bilang magka-loveteam

#WalaNangAtrasan: Vin Abrenica, Sophie Albert naghahanda na sa kanilang bonggang wedding

Sophie Albert isinilang na ang ‘baby princess’ nila ni Vin Abrenica

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending