Marian Rivera sa KathNiel break up: Perfect timing ‘yung matured na kayo
NAHINGAN ng opinyon an Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera ukol sa hiwalayang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
Sa kanilang naging panayam ng asawang si Dingdong Dantes kay Korina Sanchez na mapapanood sa YouTube channel ng huli, isa sa mga naitanong sa kanila ay patungkol sa kanilang love team na nauwi sa kasalan.
“Talaga bang kapag love teams…inevitable na nagkakatuluyan?” tanong ni Korina kina Marian at Dingdong.
Sagot ng Kapuso actress, “Paano ba natin ie-explain ‘yan? Siguro depende rin… kasi kayo ang palaging magkasama, kayo palagi ang in character, mga character na ginagampanan n’yo as a love team so siguro may mga pagkakataon na nadadala talaga.
Baka Bet Mo: Marian Rivera nangapa sa muling pagsabak sa aktingan: ‘Ang hirap mag-adjust, hindi ko na yata alam yung anggulo ko’
View this post on Instagram
Napag-usapan rin nila ang epekto ng “edad” sa pagkakaroon ng relasyon bilang love team.
Sey ng mister ni Marian, “‘Yun yung kagandahan kasi kung mas maaga kaming nagka-love team tapos nagkaroon kami ng relationship, feeling ko hindi rin kami tatagal.
“Kami, nagkataon na nagdaan na kami sa ibang love teams, tapos medyo matured na kami, I would think na matured na kami noong panahon na ‘yun.”
Dito ay naisingit ni Korina kung ano ang masasabi nina Marian at Dingdong ukol sa pinag-usapang paghihiwalay nina Kathryn st Daniel.
“Well, siguro hindi ina-analyze kasi kaibigan ko si Kath, e. So, minsan kasi ang hirap i-compare o mag-judge tayo agad-agad.
“Pero palagi ko ngang sinasabi siguro maganda talaga na ‘yung perfect timing ‘yung matured na kayo parehas,” pagbabahagi ni Marian.
Amin naman ni Korina, isa rin siya sa mga apektado sa paghihiwalay ng dalawa dahil fan talaga siya ng mga ito at ibinahagi niya rin na madalas niyang kasama ang dalawa noong kampanya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.