Marian Rivera nangapa sa muling pagsabak sa aktingan: ‘Ang hirap mag-adjust, hindi ko na yata alam yung anggulo ko’
AMINADO ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera na talagang nangapa siya nang muling sumabak sa aktingan para sa bago niyang teleserye sa GMA 7.
Ang tinutukoy ni Marian ay ang comeback series niyang “Against All Odds” kung saan makakatambal niya ang Ultimate Leading Man na si Gabby Concepcion.
Makakasama rin nila rito sina Max Collins, Gabby Eigenmann, Raphael Landicho, Kiray Celis, Arnold Reyes, Tanya Gomez, Tart Carlos, Marissa Delgado, Christian Antolin, Josh Ford at Caitlyn Stave.
View this post on Instagram
Chika ng wifey ng Primetime King na si Dingdong Dantes, sa tagal ng panahon na hindi siya umarte sa mga teleserye at pelikula ay talagang nanibago siya sa mga unang araw ng kanilang taping.
“To be honest, sabi ko, nangapa talaga ako. Ang hirap mag-adjust. Hindi ko na yata alam yung anggulo ko,” pahayag ni Marian.
Baka Bet Mo: Kuya Kim gustong si Dingdong ang bumida sa kanyang life story; game na ring sumabak sa akting
Dugtong pa niya, “And then memorizing the lines again. Siyempre yung mga kasama ko du’n, first time ko ring makasama.
View this post on Instagram
“Pero after ilang weeks, naging okay na ako. Naka-adjust na rin ako. So looking forward ako palagi na mag-taping,” sabi pa ng aktres.
Anytime next week naman ay magsisimula na rin ang shooting nila ni Dingdong para sa kanilang reunion movie, ang “Rewind” mula sa Star Cinema. Isa ito sa mga official entries sa Metro Manila Film Festival 2023.
Samantala, ngayong itinuturing na siyang bagong TikTok Queen dahil sa kanyang mga viral dance video, inaabangan na ng mga fans kung iri-remake niya ang dance moves niya sa seryeng “Marimar.”
Sabi naman ni Marian, marami siyang naiisip para sa mga susunod niyang TikTok video kaya abangan na lang daw ng kanyang followers kung kasama na rito ang “Marimar.” Awwwwww!!!
Sinabi rin niya na pinipilit pa niya ang asawang si Dingdong para maka-collab niya sa next entry niya sa TikTok.
Sophie nangapa sa muling pag-arte; Darren nakauwi sa Canada bago mag-lockdown sa Pinas
Zephanie kinakarir ang acting workshop bago sumabak sa bonggang aktingan sa GMA
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.