Kuya Kim gustong si Dingdong ang bumida sa kanyang life story; game na ring sumabak sa akting | Bandera

Kuya Kim gustong si Dingdong ang bumida sa kanyang life story; game na ring sumabak sa akting

Ervin Santiago |November 07,2021
facebook
share this

Kuya Kim gustong si Dingdong ang bumida sa kanyang life story; game na ring sumabak sa akting

Ervin Santiago - November 07, 2021 - 01:54 PM

Camille Prats, Kim Atienza at Iya Villania

KUNG mabibigyan ng pagkakataon, game na game ring sumabak sa acting ang award-winning TV host at bagong Kapuso star na si Kim Atienza.

Ayon kay Kuya Kim, gusto niya ring i-try ang umarte sa harap ng mga camera kabilang na nga riyan ang mga teleserye o drama series ng GMA 7.

Nakachikahan uli ng ilang members ng entertainment media si Kuya Kim sa ginanap na virtual mediacon para sa morning program ng Kapuso network na “Mars Pa More” kung saan makakasama na nga siya nina Iya Villania at Camille Prats bilang host.

Dito natanong namin si Kuya Kim kung payag ba siyang umakting sa mga drama series ng GMA dahil nga alam naman ng lahat ng isa rin siyang stage actor noon.

Sagot ng bagong Kapuso TV host, “why not” kung bibigyan siya ng assignment ng mga bossing ng GMA sa larangan ng pag-arte dahil nga isa rin ito sa gustung-gusto niyang balikan na naging bahagi rin ng kanyang buhay noon.

Sundot na tanong namin kay Kuya Kim, kung isasadula ang kanyang buhay sa “Magpakailanman” sino ang gusto niyang gumanap bilang siya at sa kanyang pinakamamahal na wifey.

Diretsahang sagot ng TV host, nais niya raw na si Dingdong Dantes ang magbida sa life story niya habang ang misis naman nitong si Marian Rivera ang type niyang gumanap bilang asawa niya.

Sabi ni Kuya Kim, matagal na raw kasi niyang kaibigan si Dingdong pati na rin si Marian kaya sa tingin niya magiging madali na sa Kapuso couple kung sila ang gagawa sa kanyang life story.

Samantala, ngayong Lunes na nang umaga magsisimula ang pakikipagkulitan at pagbibigay ng mahahalagang impormasyon ni Kuya Kim sa “Mars Pa More” bilang kauna-unahang male host ng programa.

Sa naganap na virtual presscon para sa pagwe-welcome sa kanya sa show, nagbigay ng patikim ang mga host na sina Iya Villania at Camille Prats kung ano ang dapat asahan ng viewers sa pagdating ni Kuya Kim.

“It’s unexpected and a complete surprise to us kasi he’s a pars. But we got excited as we also want to reach out not only to nanays out there, but also to kids, the bagets viewers and pasok doon si Kuya Kim with all his trivia,” ani Camille.

View this post on Instagram

A post shared by Kuya Kim (@kuyakim_atienza)


Dagdag pa niya, “Also, for the pars, may magtatayo na sa bandera ng male viewers. Naiba ang batuhan namin with Kuya Kim there.”

Ayon naman kay Iya, tiyak na mas marami pang matututunan ang manonoood sa mga kaabang-abang na segment ni Kuya Kim.

“Among the three of us, siya ‘yung lalabas. He will go to restaurants, to gyms to interview Kapuso stars. Hindi namin ‘yun magagawa,” pahayag ni Iya kasabay ng pagmamalaki sa bago nilang studio.

Sey naman ni Kuya Kim, “First episode pa lang, we enjoyed it na. I wasn’t expecting the show to be this enjoyable, it’s so much fun to do. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Parang naglalaro lang kami. We do three shows per taping day. Parang bitin nga, kasi ambabait ng lahat, pati production staff. Everyone is pleasant,” dagdag pa niya.

Kuya Kim sa pag-alis sa ABS-CBN at paglipat sa GMA: Malungkot na masaya, mabigat na excited…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending