Sophie nangapa sa muling pag-arte; Darren nakauwi sa Canada bago mag-lockdown sa Pinas
Vin Abrenica, Sophie Albert, Baby Avianna at Darren Espanto
INAMIN ng Kapuso actress at first-time celebrity mom na si Sophie Albert na totoong nanibago at talagang nangapa siya sa pagbabalik niya sa pag-arte.
Naikuwento ni Sophie ang kanyang first lock-in taping experience under the new normal sa Facebook Live ng “My Fantastic Pag-ibig”, ang unang proyekto niya sa GMA matapos niyang isilang ang anak nila ni Vin Abrenica na si Baby Avianna.
Si Sophie ang bibida sa “My Fantastic Pag-ibig: Beast Next Door” at sinabi nga niya na talagang nanibago siya sa pagbabalik-taping sa gitna pa rin ng banta ng COVID-19 pandemic.
“Sobra akong nangangapa. Since giving birth first time kong mag-taping ulit. Tapos siyempre new normal ngayon. Ang daming different protocols. It was such a different experience,” pahayag ni Sophie.
Aniya, napakahigpit ngayon sa location dahil sa dami ng health and safety protocols sa taping na kailangang sundin.
“Nakakapanibago na hindi ka puwede magbeso sa mga kapwa artista, or sa director, or sa mga staff. Parang super social distancing doon,” pahayag pa ng aktres.
Dagdag pa niyang reaksyon sa muling pag-arte sa harap ng mga camera, “Medyo nangapa ako umarte ulit. Super nakakapanibago siya.”
Makakasama ni Sophie sa “My Fantastic Pag-ibig: Beast Next Door” si Gil Cuerva, “I had so much fun. Buti na lang si Gil kilala ko na siya kasi nagka-workshops kami before. It was very easy working with him.
“Gusto ko mag-taping ulit. Hopefully, things go back to normal soon and we can do it again,” chika pa ng dyowa ni Vin Abrenica.
* * *
Bago pa ipatupad ang panibagong lockdown sa National Capital Region at iba pang probinsya dulot ng bigla na namang pagdami ng COVID-19 cases, ay nakauwi muli sa Canada si Darren Espanto.
Nakalipad pa patungong Calgary ang Kapamilya singer-actor ilang araw bago ang papapatupad ng ikatlong enhanced community quarantine (ECQ) nagsimula nitong nagdaang Biyernes.
Bumalik sa Pilipinas si Darren mula sa Canada nitong second quarter ng 2021 makalipas ang halos isang taong pamamalagi sa Canada kung saan siya inabutan ng unang lockdown last year.
Ito’y para sa virtual concert niya na “Home Run: The Comeback Concert” na ginanap last June 19.
Sa kanyang Instagram account last Aug. 9, nag-post ang binata ng mga litrato niya kasama ang pamilya sa Calgary. Aniya sa caption, “Reunited, I’m back in Canada! Nakalipad pa ako bago mag-lockdown!
“Flew to Canada on Thursday and went straight to camping on Saturday (after I got my swab test results from the airport. I also don’t have to quarantine anymore.) Can’t believe how quick everything’s been!”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.