Zephanie kinakarir ang acting workshop bago sumabak sa bonggang aktingan sa GMA | Bandera

Zephanie kinakarir ang acting workshop bago sumabak sa bonggang aktingan sa GMA

Ervin Santiago - September 14, 2022 - 07:37 AM

Zephanie

HINDI nahirapang mag-adjust ang dating Kapamilya singer at recording artist na si Zephanie sa paglipat niya sa bakuran ng GMA 7.

Super happy ngayon ang bagong Kapuso star sa mga nangyayari sa kanyang career mula nang pumirma siya ng exclusive contract sa GMA Artist Center last March, 2022.

Sey ng dalaga, madali niyang nakasundo at naging kaibigan ang mga kasamagan at co-performers niya sa Kapuso weekly musical-variety na “All-Out Sundays.”

“‘Yung isa po talagang nagdi-describe sa na-experience ko po lahat ngayon ay ‘yung pagiging grateful po sa lahat ng blessings and opportunities po na binibigay sa akin ng GMA. 

“Kasi, siyempre, ‘yung mga theme songs po, ‘yan ‘yun talagang isa sa mga pangarap ng mga singers na katulad ko,” kuwento ni Zephanie sa ginanap na mediacon na ibinigay sa kanya ng GMA at ng talent management niyang Cornerstone Studios nitong Lunes, September 12.

In fairness, pak na pak ang mga kanta ngayon ni Zephanie na ginamit sa mga hit Kapuso series bilang soundtrack kabilang na ang  “Tunay Na Minamahal” (themesong ng Apoy Sa Langit), “Kaagapay” (Bolera) at “Kung Ikaw Ang Kasama” (Sparkada).

Sabi pa ni Zephanie, “Hindi po nagiging mahirap sa akin ‘yung pag-a-adjust kasi six months na din po, and talaga ‘yung mga tao, very welcoming po sila.”

View this post on Instagram

A post shared by Zephanie (@zephanie)


Sa tanong kung ready na ba siyang sumabak sa aktingan kapag inalok ng GMA ng teleserye o drama series, “Ready anytime, pero ngayon po, nagwo-workshop din po kami paminsan-minsan para maging handa po, in case lang. 

“Pero iba pa rin po kapag nandoon ka na talaga, so, I’m ready naman po na ma-experience ‘yung acting field,” aniya pa.

Sa ngayon, bukod sa “All-Out Sundays”, kinakarir na rin ni Zephanie ang kanyang bagong album at ang paghahanda sa gagawin niyang concert very soon.

https://bandera.inquirer.net/285052/idol-ph-zephanie-dimaranan-binago-ang-look-umaming-crush-sina-inigo-at-darren
https://bandera.inquirer.net/280453/idol-ph-champ-zephanie-walang-bonggang-debut-party-pero-nakatanggap-ng-b-day-pasabog

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/297458/idol-ph-champion-handa-nang-sumabak-sa-akting-pangarap-makatrabaho-ang-gold-squad
https://bandera.inquirer.net/5345/sharon-p1-b-ang-nasingil-na-talent-fee-sa-tv5

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending