Payo ni Romnick sa cast ng 'MAKA': Kilalaning mabuti ang sarili

Payo ni Romnick sa cast ng ‘MAKA’: Kilalaning mabuti ang sarili n’yo

Ervin Santiago - September 19, 2024 - 06:35 AM

Payo ni Romnick sa cast ng 'MAKA': Kilalaning mabuti ang sarili n'yo

Romnick Sarmenta at ang cast members ng ‘MAKA’

TAMPOK ang exciting blend ng teen drama at musical elements, inihahandog ng GMA Public Affairs ang “MAKA” – ang pinakabagong youth-oriented series kung saan tiyak na makaka-relate ang lahat ng henerasyon.

Magsisimula na ito ngayong September 21 at mapapanood tuwing Sabado, 4:45 p.m..

Bibida sa “MAKA” ang mahusay na grupo ng mga Gen Z actor, kabilang ang Sparkle stars na sina Zephanie, Ashley Sarmiento, at Marco Masa, kasama ang Sparkle teen talents na sina Olive May, John Clifford, Dylan Menor, Sean Lucas, Chanty Videla mula sa K-Pop group na Lapillus, at May Ann Basa na kilala rin bilang Bangus Girl.

Tampok sa nasabing serye ang mga hamon na kinakaharap ng Gen Z ngayon gayundin ang kanilang mga pakikipag-ugnayan sa iba pang henerasyon—mga millennial, Gen X, at boomer.

Baka Bet Mo: Andrea humiling ng blender kay Seth na nagkakahalaga ng P50k

Kuwento ito ng mga high school students na naka-enroll sa Arts & Performance (A&P) section ng pampublikong paaralan na Douglas MacArthur High School for the Arts o MAKA, sa ilalim ni Sir V, na ginampanan ng award-winning actor na si Romnick Sarmenta.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sparkle GMA Artist Center (@sparklegmaartistcenter)


Successful bilang isang artist, bumalik si Sir V sa kanyang bayan at mabigat man sa kanyang loob ay tinanggap ang posisyon sa pagtuturo sa isang lokal na pampublikong paaralan – ang MAKA.

Sa kanyang hindi inaasahang tungkulin, natuklasan niya na siya at ang kanyang mga mag-aaral ay marami pang dapat matutunan sa isa’t isa.

Kasama rin ni Romnick sa serye ang kapwa alumni ng “That’s Entertainment” na sina Tina Paner, Jojo Alejar, Sharmaine Arnaiz, at Maricar De Mesa. Kabilang din sa all-star cast ang beteranang aktres na si Carmen Soriano.

Sa direksyon ng best-selling author na si Rod Marmol, ang serye ay nagpapatuloy sa tradisyon ng GMA sa paggawa ng mga youth-oriented programming tulad ng mga iconic na palabas tulad na “T.G.I.S.” at “Click.”

Samantala, excited si Romnick na makatrabaho ang henerasyon ng young stars ngayon.

“I enjoy getting to know more people, especially from that age group, kasi kaedad nila ‘yung mga anak ko. It gives me an insight into how I can better understand my own children,” pagbabahagi ni Romnick sa panayam ng GMA Network.

Aniya pa, “It gives me the opportunity to learn more about their generation and their individual stories. Hopefully, I can share some of my own experiences that might be helpful to them.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sparkle GMA Artist Center (@sparklegmaartistcenter)


Sa naganap namang mediacon ng “MAKA” ay nagbigay din ng life advice si Romnick para sa mga youngstars ng show, “Kilalanin n’yo ang sarili n’yo. Kung ano ang pinakamagandang version mo para sa ‘yo, ‘yun ang i-pursue mo.

“Kung ano man ang sabihin at paniwalaan ng ibang tao, labas ka na doon. Basta gawin mo kung sino ka and be happy,” sey pa ni Romnick.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood ang “MAKA” tuwing Sabado simula ngayong September 21, 4:45 p.m. sa GMA at online sa pamamagitan ng Kapuso Stream.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending