Romnick Sarmenta sa mga artistang tatakbo sa eleksyon: Hindi patas ang laban!

Romnick Sarmenta
PARA sa batikang aktor na si Romnick Sarmenta, hindi na dapat pasukin ng showbiz personalities ang mundo ng pulitika.
Sa isang X (dating Twitter) post, inihayag ni Romnick na kailanman ay hindi siya nasilaw sa kasikatan at nagpagamit sa ibang interes.
“Oo. Artista ako. Ito ang aking kinamulatan…Apat na gulang ako ng magsimula. Hindi. Hindi ako ginamit ng kahit na sino…Natutunan kong mahalin ang sining na nagpalaki, at sa isang banda’y tumulong sa paghubog ng aking pagkatao,” bungad niya sa post.
Patuloy niya, “Marami akong nakasama at nakasalamuha. Maraming taong nakilala at nakalapitan ng loob… Ang mabubuting taong nag-paalala sa akin na hindi ko kailangan magpadala sa agos ng mga hiyaw at sa kasikatan. Mga thong nag-malasakit na lumaki ako ng tama.”
Baka Bet Mo: Rendon Labador pinaaatras na si Rosmar Tan sa pagtakbo sa Maynila!
Kasunod niyan ay diretsahan niyang sinabi na wala siyang i-eendorso na celebrity candidates sa darating na midterm elections.
“At dahil din sa kanila, di ako naniniwalang dapat tumakbo ang mga sikat,” sambit niya.
Paliwanag ng aktor, “Hindi patas ang laban… lalo na’t pondo ang pangalan. Kilala sila… hindi alam ang pangalan ng kalaban.”
“Kilala sila… oo. Pero hindi ito batayan ng kagalingan sa pagpapaunlad ng bayan. Hindi rin ako mag-eendorso ng kahit na sino,” dagdag niya.
Aniya pa, “Alam ko kung sino ang mga pinili ko. Wala. Walang artista sa kanila.”
Oo. Artista ako. Ito ang aking kinamulatan… apat na gulang ako ng magsimula. Hindi.
Hindi ako ginamit ng kahit na sino… natutunan kong mahalin ang sining na nagpalaki, at sa isang banda’y htumulong sa paghubog ng aking pagkatao.— Romnick Sarmenta (@Relampago1972) February 19, 2025
Kung matatandaan, unang nagpahayag ng opinyon ang kapwa-aktor na si John Arcilla pagdating sa mga artista na tatakbo sa eleksyon.
Ang sabi niya sa isang interview, “Lahat ng tao ay may karapatan na tumakbo sa politika at maging opisyal. Kesyo artista ka o hindi artista. Ang tanong: Bakit ka nandyan at pupunta sa politika? Para ba talaga maglingkod o para yumaman dahil wala kang pinagkakakitaan?”
Ibinunyag din ng batikang aktor na ilang beses na rin siyang inaalukan ng pwesto sa lokal na pamahalaan, ngunit ito raw ay tinatanggihan niya dahil ayaw niya talaga ng pulitika.
ilan sa mga artistang sasabak sa 2025 elections ay sina Phillip Salvador, Nora Aunor, Marjorie Barretto, at Ara Mina, habang ang ilang entertainment figures ay inaasam ang reelection.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.