Rendon Labador pinaaatras na si Rosmar Tan sa pagtakbo sa Maynila!
“HINDI mo alam ang pinapasok mo, hindi internet ang pulitika. Mag-backout ka na lang para matahimik na ang Pilipinas.”
Iyan ang payo ng motivational speaker na si Rendon Labador sa kaibigan niyang content creator at negosyanteng si Rosmar Tan-Pamulaklakin sa pagtakbo nito sa darating na 2025 elections.
Isa si Rosmar sa mga social media influencers na naghain ng kandidatura sa unang araw pa lang ng filing of certificate of candidacy (CoC) para sa magaganap na midterm elections next year. Tatakbo siyang konsehal ng 1st district ng Maynila.
Aniya, may isang indibidwal daw na nag-push sa kanya kaya nagdesisyon siyang kumandidato. Wwala raw talaga siyang balak tumakbo pero may mga nagtulak at nagkumbinsi sa kanya na subukan na rin ang public service.
Baka Bet Mo: Janine Gutierrez naniniwalang ‘di dapat tumakbo sa eleksyon ang mga taong dawit sa korupsyon
“Sa totoo lang, tulad ng lagi kong sinasabi, wala naman po akong balak tumakbo dahil dagdag sakit sa ulo, dagdag-obligasyon, dagdag-responsibilidad.
“Pero kasi may nag-push po sa akin na tumakbo ka kasi kailangan ka ng tao, kasi kailangan nila ng tunay na pagbabago,” pahayag ni Rosmar.
Sa kanyang Facebook account, nag-share si Rendon ng mahabang post tungkol sa pagtakbo ni Rosmar. Narito ang kabuuan ng mensahe ni Rendon.
“Pinuntahan ko personal si Rosmar para kausapin mabuti. Pinayuhan ko na mag back out nalang at palalabasin nalang na nagbago na ang isip, para ito sa ikabubuti niya at pamilya.
“Payong kuya at kapwa influencer na nagmamalasakit. Kayong mga content creator hindi porket sumikat o nakilala lang kayo ay parang entitled na kayong magsilbi sa bayan, hindi po ganyan.
“Mali pong pananaw yan. Kaylangan po ito ng seryosong commitment at totoong pagmamahal sa bayan… Hindi lang content-content ito. HUWAG NINYONG GAWING CONTENT ANG PILIPINAS!!!
“Madami namang natutulungan si Rosmar kahit walang camera tumutulong yan, saksi ako doon.
“Kaya masasabi ko lang, hindi na niya kailangang pumasok pa sa pulitika para lang tumulong ulit.
“Nakwento niya na may offer skanya ang PBA PARTYLIST na second seat, at pinag iisipan niyang mabuti ngayon. Sabi ko kung talagang hindi ka papapigil at nasa puso mo ang pagtulong…SIGE, Mas okay nalang diyan sa PBA PARTYLIST at least sports din para sa kabataan ang advocacy nila.
“Sa partylist kasi wala kang kaaway at mas tahimik ang buhay.
“Mas mapapanatag kami bilang kaibigan. Kapag yan ang pipiliin mong landas at andiyan ka… Mas masusuportahan kita! Sasamahan pa kita sa kampanya mo.
“Mag back-out ka na habang may oras ka pa! at parang mas bagay sayong tawaging Congresswoman Rosmar! Aw Aw!” ang buong pahayag ng motivational speaker.
Magkakaiba naman ang naging reaksyon ng mga netizens hinggil dito.
“Dpat Ang tao kung gsto tumulong s KAPWA. UN Kya lng at abot ng kakayahan.. wag ng GAMITING un POLITIKA. Hindi POLITIKA ANG PROBLEMA NG PILIPINAS. UN POLITIKO MISMO.”
“Galing.. idol kita sa ginawa at sinabi mo na yan.”
“Ung diwatang expired sabihan mo din.”
“Kung TUNAY Kang kaibigan suportahan mo siya dahil walang masama sa ginagawa niya.”
“Pustahan tayo si rendon tatakbo someday.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.