Janine Gutierrez naniniwalang ‘di dapat tumakbo sa eleksyon ang mga taong dawit sa korupsyon
NANINIWALA ang Kapamilya actress na si Janine Gutierrez na hindi dapat tumakbo sa eleksyon ang mga taong may nakabinbing kaso gaya ng korupsyon.
Sa kaniyang interview kay Boy Abunda, sinagot ng dalaga ang tanong kung dapat bang tumakbo sa eleksyon ang mga taong may pending cases ng plunder at corruption.
“‘Di ba Tito Boy, kapag sa trabaho, hindi ka matatanggap kung wala kang NBI clearance?
“Maybe it should be the same for everyone kung merong mga outstanding na hindi pa saradong kaso or things like that,” sagot ng aktres.
May point naman ang dalaga dahil kung sa trabaho nga ay may mga requirements at qualifications na kailangan sundin, dapat ay mayroon rin para sa mga taong nagnanais magbigay serbisyo sa publiko.
Hindi naman nalalayo ang pagpasok sa trabaho at sa pulitika, sa katunayan ay mas mabigat pa nga ang pulitika dahil libo-libong buhay ang maaapektuhan sa bawat gagawing desisyon kaya nararapat lang na kung mataas ang standards natin sa pagtatrabaho ay dapat mas taasan pa natin ang standard natin sa pulitika.
Isa si Janine sa mga celebrities na talaga namang vocal sa kanilang pananaw lalo na sa pulitika.
Pag-amin ni Tito Boy, isa ito sa mga katangian ng aktres na talagang hinahangaan niya.
“I’m happy Tito Boy that I am able to express myself in that way kasi I’ve gotten replies na parang na-inspire rin ‘yung ibang tao na mas alamin ano ba ‘yung nangyayari and things like that.
“I’m also inspired by other people who are really vocal. So I think it is also important to be aware and talk about things and just be involved.
Tinanong naman siya kung nais ba niyang pasukin ang pulitika ngunit humindi ang dalaga.
“Noong bata ako pangarap ko pong maging ambassador. So if ever, mga ganun pero hindi siguro ‘yung tatakbo,” saad ng dalaga.
Anyways, mapapanood si Janine sa kauna-unahang Kapamilya project nito na “Marry Me, Marry You” kasama sina Paulo Avelino, Jake Ejercito, Sunshine Dizon, at marami pang iba. Mapapanood ito weekdays, pagkatapos ng “Huwag Kang Mangamba”.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.