Sandro Muhlach gumaan ang loob matapos mag-testify na sa korte
Trigger warning: Mentions of rape and sexual assault
NAG-TESTIFY na ang Sparkle artist na si Sandro Muhlach sa Pasay Regional Trial Court – Branch 114 kaugnay sa kasong sexual assault na isinampa niya laban sa dalawang independent contractors ng GMA na sina Jojo Nones at Richard Cruz.
Nangyari ang ito nitong on Miyerkules, March 19, 2025.
Sa naging interview ni Sandro sa GMA Integrated News, ibinahagi niya na bagamat hindi niya natapos ang pagbibigay testimonya ay naging maluwag na ang kanyang pakiramdam.
“Nag-testify na po ako kanina. Hindi nga lang po natapos pero we’re one stop closer to justice. Malapit na rin ‘to, matatapos na ‘to.
Baka Bet Mo: Sandro Muhlach masaya sa pagkakabasura ng motion to quash nina Nones, Cruz
View this post on Instagram
“Sobrang gumaan din ‘yung loob ko pero hindi pa tapos, meron pang hearing. Mas makakamit ko pa ‘yung justice kung nasabi ko na ang lahat ng kailangan ko sabihin pero ngayon hindi pa, pero malapit na tayo dun,” lahad ni Sandro.
Aniya, may mga importanteng detalye pa ang maidadagdag sa susunod nilang hearing.
Ayon pa kay Sandro, ang pagkakataon na makapag-testify sa korte ay matagal niyang inantay buhat nang magsimula ang kanyang laban sa naganap umanong pang-aabuso sa kanya.
“Ang tagal din ng hinintay namin, buong family namin. Ang dami naming pinagdadaanan because of this pero ito na malapit na.
“This is the time makakabawi na tayo and makakamit ko na ‘yung justice para sa akin,” sey pa ni Sandro.
Anim na representatives mula sa National Bureau of Investigation (NBI) at sa Behavioral Science Division ang tumayo bilang witness niya.
Ang pagsuporta ng mga ito ay labis na naging mahalaga kay Sandro dahil sa kanila siya nag-report matapos mangyari ang insidente.
“Sa kanila ako nagsumbong, sila ang nag-alaga sa ‘kin for the whole six months na nag-t-therapy ako sa kanila, so malaki utang na loob ko sa NBI, dahil sila ‘yung nag-alaga sa ‘kin at tinututukan nila ako palagi, kaya maraming-maraming salamat sa NBI,” dagdag pa niya.
Bagamat hindi pa nakaka-recover si Sandro mula sa insidente ay hindi niya nararamdaman na mag-isa siya sa laban dahil sa suporta ng kanyang mga magulan na sina Niño Muhlach and Edith Millare, pati na rin ng kanyang girlfriend.
“Lahat sila andiyan lang sa tabi ko. Hindi ko na-feel na magisa ako kasi andiyan sila sa tabi ko.
“I’m really thankful din sa DOJ, sa fiscal, tinulungan po nila ako na makamit ko ‘yung tamang hustisya para sa ‘kin,” pagpapasalamat ni Sandro.
Matatandaang noong Pebrero nang ibasura ng Pasay RTC Branch 114 ang motion to quash the rape through sexual assault na isinampa ng kampo nina Nones at Cruz.
“As usual, hindi okay sa kanila itong case na ito but they are still fighting for this case because they still will prove their innocence with respect to the case that’s been filed against them,” saad ng abogado ng dalawa na si Atty. Maggie Abraham-Garduque.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.