Sandro Muhlach sa kasong panghahalay: Ilalaban ko ‘to hanggang sa huli!

Sandro Muhlach, Dode Cruz at Jojo Nones
POSITIBO at naniniwala pa rin ang baguhang aktor na si Sandro Muhlach na makakamit niya ang inaasam na hustisya sa ginawang pang-aabuso at panghahalay sa kanya.
Hindi isusuko ng anak ng aktor at negosyanteng si Niño Muhlach ang mga kasong isinampa niya laban sa dalawang independent contractors ng GMA na inakusahan niya ng panghahalay.
Sinabi ito ni Sandro matapos ibasura ng Pasay Metropolitan Trial Court ang kasong acts of lasciviousness na isinampa niya laban kina Jojo Nones at Richard Cruz.
Ang desisyong ito ng korte ay para sa inihaing motion to quash ng dalawang akusado laban sa two counts of acts of lasciviousness na isinampa ni Sandro laban sa kanila.
Baka Bet Mo: Kasong lasciviousness ni Sandro laban sa inakusahang ‘rapists’ ibinasura
Paliwanag ng korte, ang acts of lasciviousness ay bahagi na ng hiwalay na kasong rape through sexual assault na inihain ni Sandro laban kina Cruz at Nones sa Pasay Regional Trial Court.
View this post on Instagram
Ayon kay Sandro, nasa korte pa rin ang mas malakas at matibay na kaso nila laban sa mga umano’y nanghalay sa kanya at hindi ito kasama sa ibinasura ng piskalya.
Sa kanyang Instagram story ng binata mababasa ang mga katagang, “The court removed the acts of lasciviousness charge because it’s already part of the sexual assault case, which is still ongoing.
“Meaning, mas matindi ang magiging kaso,” pahayag ni Sandro.
Kasabay nito, maghahain din sila ng motion for reconsideration sa Pasay METC kaugnay sa pagbasura sa asuntong acts of lasciviousness.
“But we will still file for reconsideration for acts of lasciviousness. Hindi sila makakalusot dito at ilalaban ko ‘to hanggang sa huli! I will make sure na hindi na kayo makakaulit sa iba! #ENDRAPE,” saad ng aktor sa kanyang post.
Nauna rito, binasa naman sa programang “Fast Talk with Boy Abunda” ang mensahe ng kampo nina Nones at Cruz sa pamamagitan ng kanilang abogadong si Atty. Maggie Abraham-Garduque.
“We already received the resolution on that and we are very happy that the court saw the legal infirmity that we have been raising since the onset of the case,” sabi ng abogado.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.