Sandro 'di aatras sa rape case; nag-start nang mag-work sa GMA

Sandro hindi iuurong ang rape case; nagsimula nang mag-work sa GMA

Ervin Santiago - March 03, 2025 - 12:10 AM

Sandro hindi iuurong ang rape case; nagsimula nang mag-work sa GMA

Sandro Muhlach at Shanelle Agustin

Trigger warning: Mention of rape

WALANG balak ang Kapuso actor na si Sandro Muhlach na iurong ang mga kasong isinampa niya laban kina Jojo Nones at Richard “Dode” Cruz.

Ilalaban daw ni Sandro hanggang sa huli ang kanyang demanda laban sa dalawang independent contractors ng GMA 7 na inakusahan niya ng panghahalay at pang-aabuso.

Nasa healing process pa rin daw ang binata hanggang ngayon pero “getting better” na kung ang pag-uusapan ay ang kanyang mental health, ayon mismo sa tatay niyang si Niño Muhlach.

Nakausap ng BANDERA si Niño sa pa-pressco ni Sen. No Revilla nitong nagdaang Sabado, March 1 at dito nga namin siya natanong tungkol kay Sandro at sa kasong ipinaglalaban nito.

Baka Bet Mo: Sandro namanhid nang ‘painumin’, ‘pasinghutin’: Hinila po ako sa bed

“Bilang tatay, support lang ako. Kapag sinabi patatawarin, okay. Pero gusto niya ilaban eh, siyempre sa kanya nangyari. Kasi parang ang hirap, parang binenta mo ginawa sa kanya if mag-settle,” paliwanag ni Onin (palayaw ng Niño).

Ito’y matapos ngang i-reject ng Pasay City court ang motion to quash sa rape case ng kampo nina Jojo Nones at Richard Cruz.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sandro Muhlach (@sandromuhlach)


Unti-unti na ring nakaka-recover si Sandro sa nararanasang trauma mula sa umano’y naranasang pangmomolestiya ng dalawang taong pinagkatiwalaan daw niya.

“Dati from three times a week therapy, ngayon once na lang. Nakaka-taping na rin siya. Dati ayaw lumabas sa maraming tao. Lagi nagkukulong sa kwarto, kahit kami ayaw harapin,” kuwento ni Niño.

Ang tinutukoy ni Niño na taping ay ang guesting ni Sandro sa drama anthology ng GMA na “Tadhana” hosted by Marian Rivera kung saan kasama nga niya ang GF at kapwa Sparle artist na si Shanelle Agustin.

Nagpasalamat din ang dating Child Wonder sa girlfriend ni Sandro, “Hindi siya kumakain, ang laking bagay ni Shanelle. Hindi siya pinabayaan, kumbaga naging sandigan niya. Believe ako sa bata. Di niya pinabayaan, pinatunayan mahal niya,” kuwento ni Onin.

Dagdag pa niya, “Ever since, I was always behind him during the fight. Never ko pinabayaan, I got the best lawyers. Talagang full support.”

Samantala, binalikan din ni Niño yung araw na umamin sa kanya si Sandro tungkol sa nangyari at para pa rin daw dinudurog ang puso niya.

“Noong ikinukuwento niya sa akin ang nangyari, talagang nadurog puso ko at galit. Hindi niya mahawakan yung telepono niya. Talagang nagagalit. Una niya sinabihan brother niya.

“Tapos ikinuwento ng bunso ko, si Alonzo. Sinabihan siya ng kuya niya, ‘sana hindi mangyari sa ‘yo ang nangyari sa akin.’ Si Alonzo unang nagsumbong. Natatakot kasi si Sandro na magsabi sa akin.

“Talagang hindi ko alam ang gagawin. Ayoko ilabas kasi naaawa ako sa anak ko baka kumalat. Pero there is no other way. Kaya niya (akusado) nagagawa kasi walang pumapalag. Iniisip ko, Sandro kailangan mangyari sa ’yo para lumaban, para tumigil. Baka kung sa ibang baguhan, di matigil e,” ang pahayag pa ng aktor.

Muling ipinagdiinan ni Niño na susuportahan niya kung anuman ang magiging desisyon ng anak, “Itutuloy niya yung case. Siyempre sa kanya nangyari. Kung makipag-areglo…pero ayaw daw niya. I am supportive all the way.”

Nauna rito, nagpahayag ng katuwaan si Sandro sa pagbasura ng Pasay City Metropolitan Trial Court sa motion to quash information nina Nones at Cruz.

Ito ay kaugnay nga ng rape through sexual assault na isinampa ni Sandro laban sa kanila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Of course po masaya kasi ito po yung pinag-pray ko ever since, yung matuloy yung rape through sexual assault case. Idinenay na nga po ni Judge yung motion to quash nila kasi ginagawa na nila (respondents) lahat ng delaying tactics,” ang pahayag ni Sandro sa panayam ni Jojo Gabinete.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending