Sandro Muhlach masaya sa desisyon ng Pasay Regional Trial Court

Sandro Muhlach masaya sa pagkakabasura ng motion to quash nina Nones, Cruz

Therese Arceo - February 26, 2025 - 08:12 PM

Sandro Muhlach masaya sa pagkakabasura ng motion to quash nina Nones, Cruz

HAPPY ang Kapuso Sparkle artist na si Sandro Muhlach sa inilabas na desisyon gn Pasay Regional Trial Court 11 na ibasura ang inihaing Motion to Quash ng GMA independent contractors na sina Jojo Nones at Richard Cruz sa kasong sexual assault.

Sa kanyang naging panayam sa GMA Integrated News nitong Miyerkules, February 26, sinabi niyang ipaglalaban niya ang kaso sa kabila ng mga umano’y pambabaligtad na ginagawa sa kanya ng kabilang partido.

“Kahit anong paninira, pambabaliktad ‘yong ginagawa nila sa akin, ipaglalaban ko ito hanggang huli kahit nag-plead sila ng not guilty. Sino ba naman kasing criminal ang aamin pagdating sa ganitong cases?” saad ni Sandro.

Samantala, suportado naman ni Niño Muhlach ang anak sa kanyang laban na kinakaharap.

Baka Bet Mo: Sandro Muhlach sa kasong panghahalay: Ilalaban ko ‘to hanggang sa huli!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“I’m very satisfied with what’s happening. Kasi no’ng nakaraan, no’ng nag-dismiss do’n sa isang court ‘yong acts of lasciviousness, medyo pinanghinaan ng loob si Sandro,” lahad pa ni Niño.

Ayon naman sa abogado nina Jojo at Richard na si Atty. Maggie Abraham-Garduque, hindi raw ok ang naging desisyon ng korte sa kanyang mga kliyente.

“But they are still fighting for this case because they still will prove their innocence with respect to the case that’s been filed against them,” sabi pa nito.

Matatandaang nagsimula ang demandahan sa pagitan nina Sandro at ng dalawang independent contractors matapos aminin ng aktor na siya ay ginahasa umano ng dalawa matapos ang GMA Gala Night 2024.

Samantala, itinanggi naman ng kampo nina Nones at Cruz ang sexual assault allegations na ibinabato laban sa kanila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending