Rendon Labador binigyan ng bulaklak pampatay si Boss Toyo

Rendon Labador binigyan ng bulaklak pampatay si Boss Toyo

Therese Arceo |March 14,2024
facebook
share this

Rendon Labador binigyan ng bulaklak pampatay si Boss Toyo

Therese Arceo - March 14, 2024 - 12:55 AM

Rendon Labador binigyan ng bulaklak pampatay si Boss Toyo

TAWANG-TAWA ang madlang pipol sa pagdadala ng social media influencer na si Rendon Labador ng bulaklak pampatay nang dalawin niya sa ospital si Boss Toyo.

Base sa Facebook post niya nitong Lunes, March 11, ibinandera nito ang video nang magpunta siya sa ospital.

Tila bet na kasi ni Rendon na paglamayab na ang kilalang personalidad at businessman kahit na may sakit lang ito at kailangan ng pahinga.

“Nandito po tayo sa parking lot ng isang medical center para dalawin ang ating kaibigan na si Boss Toyo dahil ilang araw na siyang na-confine.

“Hindi ko alam kung anong nangyari sa kaniya,” pagbabahagi ni Rendon.

At upang malaman niya kung bakit nga ba nasa ospital si Boss Toyo ay pinuntahan niya na ito.

Baka Bet Mo: Rendon Labador binengga nang bongga si Diego Loyzaga: Tigas ng mukha mo bro

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Nagulat naman si Boss Toyo nang ipasok sa kanyang kwarto ang regalong bulaklak na pampantay ni Rendon.

“Motivated, motivated. Puta, pinapatay mo na ako, e. Hindi naman motivated ‘yan, e,” hirit ni Boss Toyo.

Sey naman ni Rendon, “Hindi ‘yan pampatay. Ayan o, nakalagay ‘Pagaling ka’… wala akong kakampi [sa basketball event] kapag hindi ka gumaling.”

Bukod naman sa bulaklak pampatay ay nagdala siya pansit para daw long life.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Marami naman sa mga netizens ang natawa sa kalokohan ni Rendon.

“Motivated flowers [laughing emoji] mapapabilis pg galing ni Boss Toyo yan,” saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa, “Malamang gagaling na yan boss Rendon Labador dahil sa dala mong bulaklak [laughing emoji].”

“At least ma appreciate pa niya Ang mga bulaklak while Buhay pa Ang tao,” hirit naman ng isa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending