Rendon Labador nag-sorry sa nabenggang celebrities last year

Rendon Labador nag-sorry sa mga nabenggang celebrities last year

Therese Arceo |January 03,2024
facebook
share this

Rendon Labador nag-sorry sa mga nabenggang celebrities last year

Therese Arceo - January 03, 2024 - 04:09 PM

Rendon Labador nag-sorry sa mga nabenggang celebrities last year

Rendon Labador

HUMINGI ng sorry ang social media personality na si Rendon Labador sa lahat ng mga artista at kilalang personalidad na kanyang nasaktan at nasagasaan sa social media.

Matatandaang nakilala ang personalidad dahil sa madalas niyang pagpuna ng mga nakikita niyang mali sa gawi ng mga artista.

Una ngang nakilala noon si Rendon nang tahasan niyang hamunin si Coco Martin dahil sa umano’y hindo magandang dulot ng serye nito na “Batang Quiapo”.

Ilan pa sa mga pinuna niya sa social media ay sina Vice Ganda, Joey de Leon, Andrea Brillantes, Marc Pingris, Lea Salonga, Michael V., Paolo Contis, Cristy Fermin, Ion Perez, Deanna Wong, Moira dela Torre at marami pang iba.

“Bago mag bagong taon, susulitin ko na ang pagbabago ko. Gusto ko humiling ng paumanhin sa mga taong nasaktan ko (kung nasaktan ko man kayo),” saad ni Rendon sa kanyang Instagram story noong Disyembre 31, 2023.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Baka Bet Mo: Rendon Labador type gawing punching bag si Daniel, may proposal kay Kathryn

“Magbago na kayo para hindi na ako kailangan sumita pa. Pagbabago para sa Pilipinas,” dagdag pa niya.

Maituturing na isa sa mga kontrobersyal na personalidad si Rendon noong 2023 sapagkat bukod sa biglang pagsikat nito dahil sa pagpuna sa mga artista, marami rin sa mga netizens lalo na ang mga supporters ng kanyang mga inaansyang celebrities ang napikon kaya umabot pa nga sa puntong na-mass report ang kanyang Facebook account.

Makalipas ang isang buwan ay muli na ring nabuhay ang kanyang account at nangako itong magbabagong buhay ngunit patuloy na mamumuna kung ito ay para sa ikabubuti ng mamamayang Pilipino.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending