Rendon Labador type gawing punching bag si Daniel

Rendon Labador type gawing punching bag si Daniel, may proposal kay Kathryn

Ervin Santiago |December 05,2023
facebook
share this

Rendon Labador type gawing punching bag si Daniel, may proposal kay Kathryn

Ervin Santiago - December 05, 2023 - 08:19 AM

Rendon Labador type gawing punching bag si Daniel, may proposal kay Kathryn

Kathryn Bernardo at Rendon Labador

KINAMPIHAN ng social media personality na si Rendon Labador si Kathryn Bernardo matapos ang breakup nila ni Daniel Padilla.

Pinayuhan kasi ni Rendon ang Kapamilya actress at Box-Office Queen na mag-gym na lang habang nagmu-move on at nasa proseso ng “healing.”

Sey ng motivational speaker, talagang puntahan ng mga broken hearted ang gym kaya agad niyang niyaya ang dalaga dahil kung iniwan daw siya ni Daniel, hinding-hindi naman siya iiwan ng gym.

“Message to Kath: Gym ang puntahan ng mga broken hearted. Kung iniwan ka ni DJ, ang gym hinding-hindi ka iiwan niyan.

“Kung kailangan mo ng motivation para maka-move on ng mas mabilis, andito lang ang kuya Rendon mo,” mensahe pa niya kay Kath.

Baka Bet Mo: Bea nagpagawa ng bonggang gym sa bahay; may pakiusap sa mga bashers

Kasunod nito, mukhang gusto naman ng socmed personality na gawing punching bag si Daniel dahil sa ginawang panloloko umano ng aktor kay Kath.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sa kanyang Facebook MyDay, ni-repost ni Rendon ang screenshot ng naging reply niya sa komento ng isang netizen.

Baka Bet Mo: Gerald Anderson kinakarir ang negosyo, gym pa more: ‘Maganda may ibang challenge…’

Ayon sa FB user, bakit daw inaalok pa ni Rendon si Kathryn na mag-gym samantalang sobrang payat na nga ng dalaga. Dapat nga raw ay magpataba ang aktres para mas lumutang ang ganda nito.

“Bulking ang program niya, tapos mag-start sa boxing training ang cardio…ang gagamiting punching bag ay si DJ,” ang tugon naman ni Rendon.

Nauna rito, nakisimpatya rin si Rendon sa mga nagluluksang fans ng KathNiel matapos ngang maghiwalay ang dating magdyowa.

“Sa lahat ng fans ng Kathniel na nalulungkot… Kung gusto ninyo ako bumalik, sabihin nyo lang… papalitan ko ng galit yung mga lungkot na nararamdaman ninyo.
“Yung lungkot na nararamdaman ninyo ngayon… ganyan din ang naramdaman ko noong nawalan ako ng facebook… ramdam ko kayo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Wag kayong mag-alala, nandito ang kuya rendon nyo dadamayan ko kayo, ramdam ko kayo ramdam na ramdam ko kayo,” sey ni Rendon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending