Jennica Garcia nagsimula ang healing nang maramdamang keri niyang mag-provide para sa mga anak: Kaya ko pala! | Bandera

Jennica Garcia nagsimula ang healing nang maramdamang keri niyang mag-provide para sa mga anak: Kaya ko pala!

Therese Arceo |November 01,2023
facebook
share this

Jennica Garcia nagsimula ang healing nang maramdamang keri niyang mag-provide para sa mga anak: Kaya ko pala!

Therese Arceo - November 01, 2023 - 10:25 PM

Jennica Garcia nagsimula ang healing nang maramdamang kaya na niyang mag-provide para sa mga anak

HINDI napigilan ng aktres na si Jennica Garcia ang maging emosyonal habang ikinukuwento ang unti-unting pagginhawa ng pamumuhay nilang mag-iina.

Sa kanyang panayam kay Luis Manzano, naibahagi nito na nakakabili na siya ng gamit nila sa bahay ngayong aktibo na siyang muli sa showbiz.

Natanong ni Luis si Jennica ukol sa istorya sa likod ng kanyang trending post ukol sa pagbili niya ng aircon.

Lahad naman ng aktres, binigyan siya noon ng aircon ng kanyang ama para magamit sa bago nilang tinitirhan ngunit mababa ang horsepower ng naturang aircon para sa kanilang unit kaya madalas itong masira.

Kaya naman nagdesisyon na lang si Jennica na huwag na itong gamitin at mag-electric fan na lang silang mag-iina.

Naging maayos naman daw ang kanyang mga anak at laking ginhawa rin sa kanyang mga bayarin ang mababang bill sa kuryente kaya naman tinuloy-tuloy na nila ang ganoong set-up.

Baka Bet Mo: Jennica Garcia hindi binalak maging artista noon: Ginawa ko lang nu’ng nalaman ko ‘yung sweldo

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Ngunit nang magsimula nang mag-lock in taping si Jennica para sa teleseryeng “Dirty Linen”, may mga gabing naiiyak siya dahil nararansan niya ang komportableng pagtulog dahil naka-aircon ang kanyang kwarto habang ang mga anak niyang naiwan sa kanilang tirahan ay nakabentilador.

“Naiiyak ako sa gabi, kasi ako naka-aircon sa lock in taping, tapos sila hindi. Mga anak ko, hindi ko sila kasama kasi 2 weeks ‘yon [lock in taping],” kuwento ng aktres.

Dagdag pa niya, “Sa tagal na, ilang buwan na rin kasi, magwa-one year na rin ‘yung wala kaming aircon, nakalimutan ko na ‘yung ginhawa. Hindi ko na rin naman siya hinanap-hanap pero nung na-experience ko siya ulit, doon ko naiisip na ‘yung mga anak ko napapawisan.”

Super happy rin si Jennica na ikuwento na bukod sa aircon ay nakabili na rin ito ng king size mattress para sa kanilang mag-iina.

“Ang saya po, next ko po ‘yung bed frame [na planong bilhin]. Alam mo Kuya [Luis], pakiramdam ko doon po nagsimula ‘yung healing ko po talaga. Noong nararamdaman ko na kaya ko pala kami[ng] [buhayin mag-isa],” sey ng aktres.

Thankful rin si Jennica sa kanyang mga anak lalo na sa kanyang panganay na si Mori dahil tila maaga itong nag-mature at naiintindihan na nila ang sitwasyon.

Bagamat hindi pa raw nakikita ni Luis ang mga anak ng aktres ngunit naniniwala siya na maganda ang pagpapalaki niya sa mga ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“I’ve never met them. I see them [sa picture] and I can already tell na you’re such a wonderful mother. Para sa akin, it’s very refreshing seeing someone like you at kung papano kasimple ang buhay mo at kung gaano kagusto mo na simple lang rin ang buhay ng mga anak pero hindi nawawala ang pagmamahal,” papuri niya kay Jennica.

Related Chika:
Jennica Garcia plano nang mag-OFW para buhayin ang 2 anak, kinapalan ang mukha para magkatrabaho sa ABS-CBN

Jennica Garcia emosyonal sa pagbili ng aircon, water heater: ’10 months na tayong lapot gumigising’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending