Jennica Garcia ipinaliwanag ang viral post na walang aircon

Jennica Garcia ipinaliwanag ang viral post na walang aircon: ‘Ilang beses na po nasisira kaya hindi ko na po pinaayos’

Pauline del Rosario |May 08,2023
facebook
share this

Jennica Garcia ipinaliwanag ang viral post na walang aircon: ‘Ilang beses na po nasisira kaya hindi ko na po pinaayos’

Pauline del Rosario - May 08, 2023 - 05:37 PM

Jennica Garcia ipinaliwanag ang viral post na walang aircon: ‘Ilang beses na po nasisira kaya hindi ko na po pinaayos’

PHOTO: Instagram/@jennicagarciaph

NAGBIGAY pa ng detalye ang freelance actress na si Jennica Garcia tungkol sa viral niyang post na ilan buwan nang walang aircon.

Kung maaalala ay naging usap-usapan ang naging emosyonal na Instagram message ni Jennica para sa panganay na anak na si Mori.

Kabilang kasi sa inihayag ng aktres ay ‘yung pagbili niya ng aircon.

Naikwento niya sa nasabing post na matagal-tagal na silang nagtitiis sa init tuwing matutulog kaya bibili na siya nito.

“Pagpahingain na natin yung electric fan, 10 months na tayong lapot gumigising. Wag na natin paabutin ng isang taon,” sey niya sa naunang IG post.

At dahil sa interview ni Bernadette Sembrano kay Jennica na ibinandera sa YouTube, naipaliwanag na ng aktres ang tungkol sa viral post.

Paliwanag ni Jennica, “‘Yung condo ko po kasi is a studio type tapos high ceiling siya. So kahit maliit lang ‘yung space niya, ang laki ng kailangan na horsepower ‘nung aircon. E window type ‘yung aircon namin sa bahay. Kaya ilang beses na po nasisira kasi pinipilit ko.”

“Parang six months na kaming walang aircon dahil nakailang paayos na po ako, hindi ko na po pinaayos,” patuloy niya.

Baka Bet Mo: Jennica Garcia plano nang mag-OFW para buhayin ang 2 anak, kinapalan ang mukha para magkatrabaho sa ABS-CBN

Dagdag pa niya, “Hindi naman po nagrereklamo ‘yung bata sa gabi na mainit. Okay naman po sila sa electric fan.”

Inamin din ni Jennica na ang kanyang pagiging praktikal ay natutunan niya sa pagiging single mom.

“Feeling ko naman po ‘yung pagiging ganito ko [pagiging praktikal], na-develop ko na dahil naging single mom po ako,” sambit ng aktres.

Chika pa niya, “Iba po kasi kapag may katuwang ka sa buhay medyo loose ako ‘nung time na ‘yun sa money. ‘Yung hindi ko masyado iniisip.”

“Lalo pa ‘yung ex-husband ko at that time e siya naman po talaga ‘yung nagpo-provide kaya po siguro hindi ko rin po masyadong iniisip ‘yung mga gastos,” sambit pa niya.

Hindi rin daw basta-basta ang pagiging single mom dahil kailangang maging malakas at malusog upang maibigay ang mga pangangailangan ng kanyang anak.

“Pag single mom ka kasi hindi ka pwedeng magkasakit, hindi ka pwedeng hindi healthy, hindi ka pwede ‘yung basta-basta ‘yung ‘ay pagod ako ngayon’ o kunwari ‘ay kakatapos lang ng Dirty Linen, hindi muna ako tatanggap ng project kasi magpapahinga muna ako.’ Walang ganun,” sey ni Jennica.

“Talagang kahit pagod ka, lahat go, kahit ano go…e dati naman po, hindi ako nag-o-audition kasi duwag po ako e,” ani niya.

Saad pa niya, “But you’ll find this new-found courage or different kind of bravery when you’re a single mom. Hindi mo kaya, takot ka, pero gagawin mo pa rin.”

Kagaya ng nakaraang post, bumuhos muli ang mga papuri para kay Jennica.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section ng interview:

“Maganda, magalang, mapagkumbaba, maka-Diyos, masipag, totoo sa sarili… malayo mararating ni Jennica.. She deserves the best. God bless you!”

“this is really a good interview!…jennica’s strength is very palpable and very inspirational to all women…specially the single moms [red heart emoji].”

“Jennica’s such a revelation, she’s a brave woman with resiliency. She’s full of substance, very genuine, kind and humble. I saw the beauty in her in and out, I am sure she’ll go far in life!”

As of this writing ay wala pang isang araw uploaded ang nasabing interview sa YouTube, ngunit umaani na ito ng mahigit 250,000 views.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Alwyn gumawa ng tula para sa 32nd birthday ni Jennica: Wala akong kapangyarihan para angkinin ka

Jennica umaming wasak ang puso; may open letter para sa 2 anak

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending