Jennica umaming wasak ang puso; may open letter para sa 2 anak Bandera

Jennica umaming wasak ang puso; may open letter para sa 2 anak

Reggee Bonoan |April 08,2021
share this

Jennica umaming wasak ang puso; may open letter para sa 2 anak

Reggee Bonoan | April 08,2021 - 02:43 PM

TULUYAN na ngang naghiwalay ang mag-asawang Alwyn Uytingco at Jennica Garcia.

Umugong ang balita na nagkakalabuan na ang dalawa mula noong mag-post ang aktres noong Marso 27 na nagtatanong kung paano niya papalitan ang username niya sa Instagram na ang ibig sabihin ay ayaw na niyang gamitin ang apelyidong Uytingco.

Bukod dito, nag-post din siya ng Bible verses na may kinalaman sa pagpapakatatag sa gitna ng mga pagsubok.

At nitong Miyerkoles ng madaling araw ay ipinost naman niya ang larawan ng dalawang anak na sina Athena at Severina habang nananalangin. Kalakip nito ang sulat niyang may petsang Abril 6, 2021.

Ang nilalaman ng sulat para sa dalawang anak, “Athena and Severina, know that Nanay has no regrets. Yes, I get scared when I think about the coming months and years because this is not how I planned the two of you to grow up.

“But despite the heartache I am going through, I am able to keep the Joy in my heart and will continue to praise God with every cry because even if my plans have failed, I know that our loving Father’s plan for us is always good.

“His decision to allow this to happen in our life is not to destroy us. Never to destroy us mga anak. Instead of sadness, lets rejoice because God is close to the brokenhearted.

“Jesus, My Lord, I look forward to the day when you will reveal to me the answer to all my why’s. I will patiently wait for your answer and in doing so, I will praise your name.

“JESUS CHRIST, my Redeemer, my Savior!”

Suportado naman si Jennica ng followers niya sa IG at halos lahat ay nagsabing, “Kaya mo ‘yan, kapit lang sa taas.”

Kung may mga suportado ang aktres ay may mga nagtanong ding netizens ng, “Why are letters addressed to daughters should go on public? For what? Don’t wash your dirty laundry in public esp pag may kids involved.”

May mga netizen na nagtataka rin kung ano ang dahilan ng paghihiwalay nina Alwyn at Jennica na ang alam ng lahat ay maayos ang kanilang pagsasama.

“Walang perfect marriage pero, I do not expect it sa kanila mangyayari to dahil they are religious, virtuous and they try to live a simple life.

“Kaya ano kaya ang matinding conflict nila if ganito sila kasimple at madasalin. Gusto ko malaman in general ano reason ng conflict ng ganitong type ng family at bakit hindi successful. Mukhang hindi naman 3rd party,” komento ng isa pang IG user.

Ang sagot naman ng isa pang follower ng anak ni Jean Garcia, “Money un po ang kelangan nila. No jobs both of them. Pano mabubuhay?

“Sabi ng tatay ko ang matinding pag-aaway ng mag asawa at na uuwi sa hiwalayan is PERA o pangbabae or panlalake. Or both.”

Curious naman ang bagong kasal na netizens kaya gusto rin niyang malaman ang dahilan para maiwasan kung anuman ang problema.

“Ako din sis gusto ko malaman. Hindi para maka-chismis. Pero para maging lesson din sa atin. Newly married ako kaya gusto ko malaman para at least alam ko gagawin ko at hindi gagawin para maging maayos ang pagsasama namin ng asawa ko.”

Sinilip naman namin ang IG account ni Alwyn at wala naman siyang post bilang sagot sa mga hinaing ng nanay ng dalawa niyang anak.

Mukhang nasa lock-in shoot ang aktor dahil nag-post siya ng mga larawan niyang may caption na, “(it’s too) QUIET on the set, direk ready na ako.”

Palaisipan naman ang isang post nitong black and white picture na silhouette na tila nakatingin sa malayo.

Ang caption niya ay lyrics ng awiting Aurora – Runaway, “And I was running far away, would I run off the world someday? Nobody knows.”

Komento naman ng netizen, “Wag sana mabuwag ang family nyo, ang ganda ng family n’yo Alwyn, di rin materialistic si Jennica. Kaya mo ‘yan lahat naman may problema Sana wag ka sumuko.”

“Sometime we associate escaping from running. But what we actually need is to temporarily rest ourselves from external and internal distractions we experienced from pressures, commitments, and other things. What we always look forward is to get things smooth just the way we look at things as harmonious and joyful life. Happy Easter!”

Sa nakaraang panayam kay Jennica ni Nay Cristy Fermin sa programa nitong “Cristy Ferminute” sa Radyo5 92.3 News FM ay ayaw pa niyang magkuwento pero inaming may pinagdaraanan siya ngayon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending