Alwyn gumawa ng tula para sa 32nd birthday ni Jennica: Wala akong kapangyarihan para angkinin ka | Bandera

Alwyn gumawa ng tula para sa 32nd birthday ni Jennica: Wala akong kapangyarihan para angkinin ka

Ervin Santiago |December 27,2021
facebook
share this

Alwyn gumawa ng tula para sa 32nd birthday ni Jennica: Wala akong kapangyarihan para angkinin ka

Ervin Santiago - December 27, 2021 - 03:23 PM

Alwyn Uytingco, Jennica Garcia, Mori at Alessi Uytingco

MUKHANG binigyan na nga ng second chance ng Kapuso actress na si Jennica Garcia ang asawang si Alwyn Uytingco matapos magkahiwalay nang ilang buwan.

Proud na proud na ibinandera ng aktor sa kanyang Facebook page nitong nagdaang Pasko, Dec. 25, ang litrato nila ni Jennica kasama ang dalawang anak nilang sina Mori at Alessi.

Sey ni Alwyn sa caption, “Thank you Lord for the gift of family. Merry Christmas everyone!”

Maraming nagkomento sa post ng aktor na super happy sila sa showbiz couple dahil hindi nila hinayaang tuluyang masira ang kanilang pamilya kasabay ng pagpuri nila kay Alwyn bilang tatay at asawa.

Kasunod nito, muling nag-post sa social media si Alwyn kahapon ng isang tagos sa pusong mensahe para sa sa ika-32 kaarawan ni Jennica.

Actually, isa itong tula na isinulat ni Alwyn at inialay sa ina ng kanyang mga anak na ikinumpara pa niya sa isang “obra” at “painting.” Inamin din niya na hindi siya perpektong asawa pero nangakong gagawin ang lahat para sa pinakamamahal na pamilya.

Narito ang kabuuan ng nilikhang tula ng aktor: “Ang buhay mo ay isang obra na nilikha ng Diyos.

“Sa bawat minuto, oras, araw at taon na nakakasama kita, mas gumaganda at mas lumalalim ang pagtingin ko sa yo.

“Kung ang buhay ay isang painting, maiintindihan natin kung bakit hindi sa lahat ng oras ay madali ang ‘pagpipinta’ nito.

“Hindi palagi ay gagamit ka ng puti, dilaw, kahel at maliliwanag na kulay para mabuo ito.

“Minsan may itim, asul at indigo na tila nagsisilbing pambalanse upang magrehistro ang lahat ng aspeto sa buhay ng tao.

“Napakakulay ng buhay mo, at ito ang dahilan kung bakit ako patuloy na humahanga at nabibighani sa ’yo.” 

Samantala, may isa pa siyang post kung saan todo ang papuri niya kay Jennica. Aniya, “Isa lang ang kinaiinisan ko, hindi mo ito batid. Wala kang malay na ganito ang kinang na nakikita ko sayo, at ng mga tao sa paligid mo.

“Isa lang ako sa mga miron na gustong tumitig sa’yo buong maghapon.

“Sa katotohanan, wala akong kapasidad na maiuwi ka sa bahay, mailagay sa magandang dingding at maipagmayabang sa mga tao.

“Wala akong kapangyarihan para angkinin ka, dahil kung tutuusin, ang Ama natin sa itaas ang siyang may karapatan ng umangkin sa ’yo.”

“Pero kahit hindi man ako karapat-dapat na maging parte ng kulay ng buhay mo, heto ka’t nasa harapan ko, araw-araw na binibigyan ng pagkakataon na masilayan ka at masaksihan ang gandang taglay mo.

“Hindi ito nagtatapos sa isang hagod ng pintura, na parang isang hindi pa natatapos na mosaic, patuloy ang iyong pag usbong at pagbibigay kulay sa canvas ng buhay.

“Salamat Jennica, dahil andito pa rin ako at parte ng pagpipinta mo.

“Salamat sa buhay, liwanag at inspirasyon na dala mo para sakin, sa mga anak natin, at mga taong nagmamahal at humahanga sayo.

“Salamat, at kasama kami sa obra ng buhay mo.

“Maligayang kaarawan, Mahal,” ang pahayag pa ni Alwyn para sa birthday ng asawa.

Kung matatandaan, May 2021 nang ibandera ni Jennica sa publiko na hiwalay na sila ni Alwyn pero ipinagdiinan niya na hindi pera ang dahilan nito. Wala rin siyang nabanggit kung may third party involved sa kanilang break-up.

Pagsapit ng Hulyo, nag-sorry si Alwyn sa asawa at nagsabing gagawin niya ang lahat para maayos muli ang kanilang pagsasama. Kasunod naman nito, nagpahiwatig din si Jennica na nais niyang bigyan ng ikalawang pagkakataon ang tatay ng kanyang mga anak.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

View this post on Instagram

A post shared by Jennica Garcia (@jennicagarciaph)

https://bandera.inquirer.net/287263/alwyn-tuloy-ang-panliligaw-kay-jennica-patawad-sa-lahat-ng-pagkakamali-ko-babangon-ako-mahal

Jennica Garcia, Alwyn Uytingco magkakabalikan na ba?

Jennica umaming wasak ang puso; may open letter para sa 2 anak

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending