Jennica Garcia: From studio type, naka-2 bedrooms na kami!

Jennica lumipat na ng bahay: From studio type, naka-2 bedrooms na kami!

Pauline del Rosario - February 22, 2025 - 10:52 AM

Jennica lumipat na ng bahay: From studio type, naka-2 bedrooms na kami!

PHOTO: Instagram/@jennicagraciaph

SUPER happy ang aktres na si Jennica Garcia dahil lume-level up na sila ng kanyang mga anak paunti-unti!

Kung noon, proud na ibinandera ni Jennica ang pagbili ng aircon para sa anak, ngayon naman ay bagong tirahan.

“Nu’ng [February] 15, nakalipat na kami ng mga anak ko, hay salamat!” bungad niya sa interview ng entertainment reporter na si MJ Marfori.

Pagmamalaki pa niya, “So from a studio type unit, talaga namang naka-two bedrooms na kami! At hindi pa tapos ‘yun, may hagdan! Ay, thank you Lord!”

Mapapakinggan sa video na klinaro ni MJ na loft type ang tawag sa sinabing unit ni Jennica.

Baka Bet Mo: Jennica Garcia plano nang mag-OFW para buhayin ang 2 anak, kinapalan ang mukha para magkatrabaho sa ABS-CBN

Lalo namang natuwa ang aktres at sabay sabing, “Loft ba tawag dun? Ang saya ‘nun!”

“Pag tinanong sa akin, ‘Saan ka nakatira? Sa condo?’ (umiling ng pa-oo) ‘Sa loft!’” wika niya habang nag-i-imagine at sabay tawa nang malakas.

Nang tanungin naman siya kung ano ang naging reaksyon ng kanyang mga anak nang lumipat sila sa bagong bahay.

Ang chika ng celebrity mom, “Pinapapili ko kasi sila. Actually, iba sana ‘yung gusto ko na unit. Meron kasing three bedrooms na same lang ‘yung price ng rent.”

Pero tila nabighani daw kasi ang mga anak niya nang makitang may hagdan ‘yung isang unit kaya ito nalang ang pinili niya.

Ang request daw sa kanya ng mga anak: “Nanay, gusto namin ng may hagdan.”

Ang sinagot naman diyan ng aktres, “Gusto niyo ng hagdan? Ibigay ang hagdan!”

@mjmarfori #fyp #JennicaGarcia new goals unlocked matapos makalipat sa mas malaking bahay para sa mga anak. Panuorin si Jennica sa #SavingGrace #SavingGraceTheUntoldStory simula March 3 sa TV5. @DreamscapePH #showbiz #entertainmentnewsph ♬ original sound – MJ Marfori|CelebrityInterviews

Sa comment section, maraming netizens ang naantig sa pagiging humble at totoo ni Jennica.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin:

“Nakaka-happy si Jennica Garcia [heart emoji] so authentic and genuine. Siya dapat ‘yung parating binibigyan ng projects ng mga execs at network. Sana more blessings pa for her because she deserves it!”

“Ito nepo baby, anak ng artista na nagsumikap on their own pa rin. Salute.”

“Ang happy ni Jennica. Basta for the kids, a mom will move mountains… May God bless you!”

“Hindi ko naman siya kamag-anak pero ang saya saya ko for her. Napaka refreshing to know napaka-humble and genuine ng joy niya.”

“I always hated her roles but she deserves all the good things in the world. Ang sipag at dedicated niya [red heart emojis].”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kung matatandaan, nag-viral ang 2023 post niya nang maging emosyonal sa pagbili ng aircon.

Naikwuento niya na matagal na silang nagtitiis sa init tuwing matutulog kaya bumili na siya nito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending