Jennica Garcia nililigawan nga ba ng isang Korean na nakilala niya sa shooting ng 'Ma'am Chief'? | Bandera

Jennica Garcia nililigawan nga ba ng isang Korean na nakilala niya sa shooting ng ‘Ma’am Chief’?

Ervin Santiago |November 20,2023
facebook
share this

Jennica Garcia nililigawan nga ba ng isang Korean na nakilala niya sa shooting ng ‘Ma’am Chief’?

Ervin Santiago - November 20, 2023 - 07:30 AM

Jennica Garcia pinopormahan nga ba ng isang Koreano na nakilala niya sa shooting ng 'Ma'am Chief'?

Jennica Garcia

ILANG beses nang sinasabi ng Kapamilya actress at TV host na si Jennica Garcia na hindi siya naghahanap ngayon ng bagong boyfriend.

Mas gusto raw munang mag-focus ni Jennica sa pagtatrabaho at sa pag-aalaga sa kanyang mga anak lalo pa’t isa na siya ngayong single mom matapos nga silang maghiwalay ni Alwyn Uytingco.

“Nagiging running joke po namin ng mga kaibigan ko yung love life, pero hindi naman po talaga ako naghahanap.

“Kasi sa naranasan ko po, kasi okay na po kahit wala na pong dumating, huwag lang po ako masasaktan nang ganu’n po ulit.

“Kung meron man po akong pangarap ngayon, yung mabuhay ko po yung mga anak ko na masaya po sila, mabigay ko po yung mga pangangailangan nila, at higit sa lahat, sana makahanap po sila ng asawa sa future, na hindi po sila iiwanan, yun lang po,” ang pahayag ni Jennica sa vlog ni Karen Davila.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Ayon naman sa kanyang inang si Jean Garcia, “Sobrang bumilib ako kay Jenica, kasi noong time na una nila, noong una sila nagiwalay ni Alwyn, dumating na din siya sa point na parang, nag-iisip siya, e, kung kailangan.

“Correct me if I’m wrong, anak ha, parang nag-iisip siya na parang, ‘Ayoko na talaga, Mama, pero iniisip ko pa rin my children. Kasi ayoko na, so gusto ko pa rin i-try.’ Sabi ko, ‘Decision mo,'” sabi pa ni Jean.

Pero totoo nga ba ang chika na kahit sinasabi ng aktres na hindi siya naghahanap ng bagong pag-ibig, ay may isang lalaking umaali-aligid sa kanya na nakilala niya nang mag-shooting sila nina Melai Cantiveros para sa pelikulang “Ma’am Chief” sa South Korea?

Ayon sa kumakalat na tsismis, ang naturang guy ay isang Koreano at director of photography.

Baka Bet Mo: Jennica Garcia matinding hirap ang hinaharap bilang single mother: ‘Dumating sa point na naka-schedule sa doktor kung kailan ako iiyak’

Samantala, natanong naman ni Karen si Jean kung nag-ask ba sa kanya si Jennica ng payo bago tuluyang nakipaghiwalay kay Alwyn.

Sagot ni Jean, “Yeah, I think na sabi ko naman yun, anak, na parang ano, ‘Kasi kung puwedeng ayusin, ayusin ninyo.’ Pero sabi ko, inirespeto at inirespeto ko kung ano magiging desisyon mo.

“Kasi nanggaling na rin naman din ako diyan. At naiintindihan ko. Lalo na may mga anak ang dalawa. Sabi ko, hindi naman.

“Sinabihan ko rin siya na hindi naman porke, kunwari, ‘Mag-decide ka maghiwalay kayo o hindi,’ sabi ko, ‘tuloy naman ang buhay mo, e,’ sabi ko. At saka, ‘Nandito ako,’” paliwanag ng veteran actress.

Gusto pa ba ni Jennica na maayos sana ang problema nila ni Alwyn? “Oh, not anymore, Miss Karen. Hindi na po. Nalaman ko na hindi ko na siya…hindi na ako magmi-make ng effort to make it work because when we separated, I already gave my all for another year. To, like, to try.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sey naman bigla ni Jean, “Nagbalikan pa sila, e, para maayos.”

Patuloy ni Jennica, “And gusto ko naman ibigay din po kay Alwyn na nung bumalik naman siya, okay naman. Kumbaga, nakita ko naman din yung willingness niya.

Baka Bet Mo: Jennica Garcia plano nang mag-OFW para buhayin ang 2 anak, kinapalan ang mukha para magkatrabaho sa ABS-CBN

“Sa totoo lang po, parang ako na po yung problema after nu’ng one year. Parang, we don’t fight. We don’t. Kasi nga po, ayoko po ng conflict, di ba?

“So, hindi po ako. Pero hindi ko po napansin na sa one year pala na yun, parang nag-move on na po pala ako nang hindi ko alam.

“Kaya feeling ko po, nung sinabi ko rin sa kanya na, ‘Pasensiya ka na, ayoko na,’ feeling ko po nagulat din siya. Kasi para sa kanya, parang walang pinanggalingan na mismong root kasi okay naman kami.

“Ang problema, alam ko kapagka tinuloy ko pa, hindi ko makikitang enough yung sarili ko, matatakot akong tumanda. Yung mga ganu’n yung nararamdaman ko na parang…

“Sobrang simple ko po kasi talaga na hindi po ako ma-makeup na tao pag walang trabaho, ganyan. Dito ko na feel na nasa bahay lang ako, pero parang kailangan ko mag-concealer ata. Yung ganun na ako mabuhay.

“Nagkataon pa na when I was married with him, I know I gave my 200 percent. Yung ganu’n. So, parang nu’ng bumalik siya, parang nu’ng umalis siya, binigay ko yung 200, parang wala na akong 300 na ibigay.

“Yung napi-pressure po ako, pakiramdam ko, ‘Okay, hindi enough yung nabigay ko. So, dapat magbigay ako ng bago, para hindi na siya aalis,’ parang ganu’n,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matatandaang ikinasal sina Alwyn at Jennica noong February, 2014 sa pamamagitan ng isang secret wedding.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending