Jennica Garcia matinding hirap ang hinaharap bilang single mother: 'Dumating sa point na naka-schedule sa doktor kung kailan ako iiyak' | Bandera

Jennica Garcia matinding hirap ang hinaharap bilang single mother: ‘Dumating sa point na naka-schedule sa doktor kung kailan ako iiyak’

Ervin Santiago |June 01,2023
facebook
share this

Jennica Garcia matinding hirap ang hinaharap bilang single mother: ‘Dumating sa point na naka-schedule sa doktor kung kailan ako iiyak’

Ervin Santiago - June 01, 2023 - 07:33 AM

Jennica Garcia matinding hirap ang hinaharap bilang single mother: 'Dumating sa point na naka-schedule sa doctor kung kailan ako iiyak'

Jennica Garcia kasama ang dalawang anak

HUMANGA ang maraming manonood sa pagpapakatotoo ng Kapamilya actress na si Jennica Garcia nang ibahagi niya sa madlang pipol ang mga hirap na pinagdaraanan bilang single mom.

Knows n’yo ba na may mga pagkakataon pa raw na pati ang pag-iyak niya at paglalabas ng mga saloobin ay naka-schedule kapag nagtutungo siya sa kanyang doktor at therapist?

Yan ang isa sa inamin ni Jennica nang mag-guest siya kahapon sa “Magandang Buhay” kung saan na-shock nga ang mga viewers pati na ang mga hosts ng programa.

Sa unang bahagi ng panayam ay todo ang pasalamat ng aktres sa dalawa niyang anak na sina Mori at Alessi. Sabi ni Jennica, mas naging matapang at palaban daw siya ngayon dahil sa mga anak.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jennica 🦋 (@jennicagarciaph)


Naging emosyonal ang “Dirty Linen” star nang mapanood ang video message nina Mori at Alessi, “Thank you dahil dumating kayo sa buhay ni nanay. Lagi niyong sinasabi na thank you for everything pero si nanay talaga ang dapat mag-thank you kasi alam niyo si nanay nakakagawa ngayon ng mga bagay na hindi ko alam na kaya ko palang gawin.”

Dagdag pa niya, “Dati si nanay sobrang hina ng loob. Tumagal ako sa industry na hindi ako kumakanta ng live, hindi sumasayaw si nanay, namimili ng role si nanay.

“Pero ngayon pakiramdam ni nanay ay wala siyang hindi kayang gawin at yon ay dahil mayroon akong kayo. I love you,” mensahe pa niya sa dalawang anak.

Baka Bet Mo: Jennica umaming wasak ang puso; may open letter para sa 2 anak

Napatunayan din ni Jennica na hindi talaga madali ang maging single parent,  “Mahirap maging single mom. Kahit naman single dad, it’s difficult to be a single parent, right?

“Pero kaya pala talaga. Mahirap lang sa umpisa pero eventually kapag nalampasan mo na at kapag nakapag-heal ka na ay super empowering ng feeling,” sabi pa ng estranged wife ng aktor na si Alwyn Uytingco.

Samantala, naibahagi nga ni Jennica ang tungkol sa pagpapa-theraphy niya noong kasagsagan ng mga nararanasan niyang problema sa kanyang personal na buhay.

“Nu’ng kausap ko kasi ‘yung therapist ko, na-skip ko yata ‘yung grieving stage. ‘Yun ang naging problem. Ang naisip ko kasi parang kailangan kong maging malakas agad kasi affected ‘yung kids, sila ‘yung kasama mo sa bahay.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jennica 🦋 (@jennicagarciaph)


“Hindi ka rin pwedeng umiyak nang umiyak. Dumating sa point naka-schedule sa doctor kung kailan ako iiyak. Kasi hindi ako nakaiyak ng gusto kong iyak.

“Kunwari kapag tatanungin ako ng doctor ‘ano ang dumurog sa iyo?’ kapag sinabi ko kung ano, hindi na ako maiyak. So ang naging parang therapy ko ay may series of movies na mga sad. Kailangan ko siyang panoorin para maiiyak.

“When I don’t suppress it ang nangyayari kasi ay labas-pasok ako sa ospital. Ang pangit, parang nahihimatay ako,” paliwanag pa niya.

“Ayos na ayos na po talaga ako ngayon. Pakiramadam ko kung tatanungin ako ngayon parang kailan ka pinakamasaya sa buhay mo, pakiramdam ko talaga ay 2023 po.

“Maski kapag tinitingnan ko ang sarili ko sa salamin parang dati iniisip ko parang hindi ako maganda, parang ang daming mali sa akin. Pero ngayon kapag tumitingin ako sa salamin, sinasabi ko pa rin ‘hindi ka maganda, pero cute ka.’ ‘Yung medyo gusto ko na po ang sarili ko ngayon,” pahayag pa ng aktres.

Jennica Garcia plano nang mag-OFW para buhayin ang 2 anak, kinapalan ang mukha para magkatrabaho sa ABS-CBN

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Alwyn gumawa ng tula para sa 32nd birthday ni Jennica: Wala akong kapangyarihan para angkinin ka

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending