Vice sinita, pinagsabihan ng 2 psychologist sa pag-iyak ni ‘Kulot’ sa Showtime: Hindi dapat pinipilit ang bata na magsabi ng ‘I love you’
HINDI nagustuhan ng ilang manonood at mga eksperto ang ginawang panayam ni Vice Ganda sa isang menor de edad sa segment ng “It’s Showtime” na “Isip Bata.”
Viral na ngayon ang pagluha ng batang nagngangalang “Kulot” habang kinakausap ng TV host-comedian sa episode kamakalawa ng Kapamilya noontime show.
In fairness, mabuti naman ang intensyon ni Vice sa pagtatanong sa bata pero may mga taong nagreklamo sa nangyaring panayam kabilang na riyan ang dalawang psychologist na nakapanood sa naturang segment ng programa.
View this post on Instagram
Napag-usapan sa nasabing episode ng “Isip Bata” ang umano’y pangangaliwa at pagtataksil ng ama ni Kulot sa kanyang ina. Sa isang bahagi ng segment, hiniling ni Vice na sabihin ng bata na mahal nito ang tatay niya pero tumanggi si Kulot.
“Minsan sasabihin mo, masarap ‘yun sa damdamin kapag nasasabi mo sa Itay na mahal mo siya. Gusto mo bang sabihin sa Itay ‘yon?” ang sabi ni Vice kay Kulot pero talagang ayaw nito hanggang sa maluha na ito.
Reaksyon ng mga manonood, hindi raw tama na pilitin ang mga bata sa mga bagay na ayaw nilang gawin lalo na ang magsabi ng mga salitang labag sa kanilang kalooban, lalo na on national television.
Kabilang sa mga nag-react ang psychologist na si Jeemon Rey Amaca Bacaoco na nanawagan sa ABS-CBN at sa management ng “Showtime.”
“I have been seeing video clips of a child crying on national TV because you were openly discussing family conflict in your show. While the intention was good, I think doing this has serious repercussions on the child’s mental health and well-being,” paliwanag nito.
Mensahe naman niya kay Vice, “You should also not force a child to say I love you to a family member especially if she has expressed that she’s not comfortable doing it.
“Please consult a child psychologist so you are aware of the consequences of your actions when you are working with children,” dagdag pa ng naturang eksperto.
Sa Facebook post naman ng isa pang psychologist at content creator na si Riyan Portuguez, pinagsabihan din niya ang programa at si Vice Ganda.
Baka Bet Mo: Paolo sa bagong Bubble Gang: Kailangan mas maingat dahil mas balat-sibuyas ang mga tao ngayon
“Hindi requirement na hikayatin siyang magsabi o mag-express ng love sa tatay niyang pakiramdam niya nagcause ng pain niya. Nauunawaan kong intensyon lang ni Vice ay mabuti sa bata.
“Although, tandaan natin na ayos lang din naman sa ‘on-air i-demonstrate ang makatotohanan na pagkilala ng totoong nararamdaman. Hindi kailangan na ‘good vibes’ o mag-end up na resolved ang nararamdaman ng isang tao para sa show.
View this post on Instagram
“All feelings are valid. All emotions require processing. Mahirap magsabi ng ‘mahal kita’ kung hindi naman din na-demonstrate sa kanya ang trust. Pakiramdam ko mula sa sinasabi ng bata. May na-break na trust doon.
“Sa akin, ayos lang na hindi ka magsabi ng ‘I love you’ o kaya magpatawad kung di ka handa. Hindi naman kasi ‘yan instant,” sabi pa niya.
“Maging mabuti sana tayong ehemplo sa mga kabataan,” pahabol pa niya.
Nabasa rin namin sa isa pang blog sa Facebook ang pahayag ng netizen tungkol sa viral na pagluha ni Kulot.
“The child is uncomfortable talking about her family situation, and it’s quite distasteful for an entertainer and celebrity and the producers of the show to compel a child to open up on live television just because it touches the Filipino audience — ratings and viewership shouldn’t come at the cost of a child’s security and comfortability,” ang nakasaad sa Facebook blog na “Dawalang Sentimo sa Kalye.”
“This kind of discussion should be within the closed door and with a professional. The child possesses an emotional burden that she is still not capable of processing and reflecting in its entirety because her brain is still developing,” sabi pa niya.
“Vice should have just let it go instead of attempting an emotional scene where the child will say she loves her father,” anang blog.
“Don’t get me wrong, there are times that Vice gave good advice in dealing with life and its troubles, but Vice isn’t perfect and in those times Vice should be criticized,” ang punto pa ng blogger.
Habang sinusulat namin ang balitang ito ay wala pang inilalabas na official statement si Vice at ang pamunuan ng “It’s Showtime.” Bukas ang BANDERA sa kanilang magiging eksplanasyon.
Iwa Moto nagkaproblema sa mental health: Nakakapagod, nakaka-stress, nakakaubos ng pagkatao…
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.