Paolo sa bagong Bubble Gang: Kailangan mas maingat dahil mas balat-sibuyas ang mga tao ngayon
ASAHAN na ang mga socially-relevant segments sa bagong version ng longest-running at award-winning gag show sa bansa, ang “Bubble Gang.”
Siniguro nina Michael V at Paolo Contis na mas magiging exciting at pasabog ang big relaunch ng programa ngayong darating na May 27 sa GMA 7.
Kuwento ni Paolo sa naganap na virtual “Bubble Gang” mediacon last May 13, kailangang abangan ng Kapuso viewers ang mga bagong segments at bagong mga kababol.
“I think ‘yung inspiration namin sa mga materials is ‘yung talagang, tama ‘yung sinabi ni Kuya Bitoy kung ano ‘yung socially relevant ngayon.
“I believe mas magiging aggressive ang Bubble Gang sa mga socially relevant na mga sketch ngayon. Kasi nga feeling ko nga kailangan, sa seryoso ng mga tao ngayon, ang seryoso ng buhay ngayon. Kailangan medyo matawa tayo ng konti,” sey ni Paolo.
Dagdag pa ng Kapuso actor, “Compared before, mas kailangan lang mas maingat ngayon. Kasi mas balat-sibuyas ‘yung mga tao ngayon.
View this post on Instagram
“At the end of the day, we just wanna make people laugh, we don’t want to offend anyone. Ang Bubble Gang po ay gusto lang po namin magpasaya, if we offend sometimes hindi po namin ito sinasadya,” aniya pa.
Samantala, ipinaliwanag naman ng Kapuso genius at Bubble Gang original member and creative director na si Michael V kung bakit kailangan na nilang magkaroon ng relaunch.
“It’s inevitable naman, lahat naman dinamdam ‘yung pandemic, e. It’s a celebration as well, hindi naman namin sinasabi tapos na ang pandemic, pero we have more freedom right now na gawin ‘yung mga dating ginagawa, albeit mas cautious na kami ngayon.
“I think ‘yung pagpapalit ng cast at saka ‘yung paglalagay ng bagong segments ito na ‘yung much needed improvement doon sa show. Hindi kasi puwede maging stagnant ‘yung Bubble Gang. It has to grow, it has to expand and I think this is the best way na gawin yun.
“Yung platform, kailangan nating intindihin, e. Hindi puwedeng TV show na lang tayo, e.
“Ang dami nang platforms sa social media so I think, since trying to stay relevant yung show, siguro pati yung platform na pinaglalabasan niya, dapat maging relevant din.
“Hindi lang TV yung ini-inculcate natin ngayon kung hindi social media rin and at the same time, pabalik din, yung mga nasa social media, pwede natin ilagay sa TV show so maganda yung working relationship ng TV show at ng audience,” esplika pa ni Bitoy.
https://bandera.inquirer.net/313735/bitoy-pumayag-nang-mag-taping-sa-studio-ng-bubble-gang-malakas-na-ang-loob-ko-ngayon-vaccinated-na-ako-may-booster-pa
https://bandera.inquirer.net/313433/sinu-sino-ang-mga-natsugi-sa-bagong-version-ng-bubble-gang
https://bandera.inquirer.net/303740/ilang-kapuso-stars-matindi-ang-loyalty-sa-bubble-gang-napakaswerte-namin-grabe
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.