Paolo Contis takot makatagpo ng tulad niya ang mga anak: Sasampalin ko
ISA sa mga kinatatakutan ngayon ng Kapuso actor na si Paolo Contis ay ang makatagpo ang kanyang mga anak na babae ng lalaking katulad niya.
Aminado si Paolo na napakarami rin niyang nagawang kasalanan at pagkakamali sa kanyang buhay na hanggang ngayon ay pinagsisisihan niya.
May tatlong girls na anak si Paolo sa kanyang mga dating karelasyon – dalawa sa dati niyang asawang si EB Babe Lian Paz, sina Xonia, 14, at Xalene, 13, at isa sa ex-partner niyang si LJ Reyes, si Summer, 5.
Napag-usapan sa guesting ni Paolo sa online show na “Your Honor” na napapanood sa YouLOL YouTube channel, ang tungkol sa kanyang pagiging tatay.
Baka Bet Mo: Aiko sa celebs na tatakbo sa eleksyon: Isapuso ninyo ang pagpasok sa pulitika!
Natanong siya ng mga host ng programa na sina Tuesday Vargas at Buboy Villar about having children mula sa kanyang mga past relationship.
View this post on Instagram
At dahil puro mga babae ang anak niya, tinanong si Paolo kung ano ang magiging reaksyon niya kapag may mga lalaking lumapit sa kanya para pormahan ang mga ito.
Usisa ni Tuesday, “You have three girls, one day, mayroong lumapit sa iyo na binatilyo, ‘Tito Pao, kaibigan ko po si Summer, kunwari….okay lang po ba na paminsan-minsan po pupunta po ako dito?’
“How will you handle it if one day your daughters come to you?”
Tugon ni Paolo matapos pag-isipan nang ilang segundo ang isasagot, “It’s gonna happen anyway at wala kang magagawa.”
Sunod na tanong ni Tuesday, “Hindi ka natatakot, Pao, na may makilala rin sila na kagaya mo?”
“Actually ayun ang number one na ikinakatakot ko,” tugon ng aktor.
“How do you handle it?” sundot na question sa kanya ni Tuesday.
Na sinagot ni Paolo ng, “Sasampalin ko agad. Sige, dahil na-open mo na yung about sa kids, me as a person, ever since naman, the goal is to be a guy na gusto mong manligaw sa mga anak mo ay katulad mo ng ugali.
“Sadly, you make mistakes, nagkakamali ka. Now, masasabi ko na kung yung Paolo mga 10 or 15 years ago, ayun ang ipakilala ng anak ko sa akin, naku! Dyusko, Lord, sasampalin ko talaga yon!” ang pahayag ni Paolo.
Ayon pa kay Paolo, 40 years old na raw siya ngayon at marami na siyang realizations sa buhay. Aniya, hanggang ngayon ay pinagsisisihan niya ang mga nagawang kasabay ng pagbabago upang maging good example sa mga anak.
“It’s an ongoing process. I cannot say that I have changed pero nandoon ka na sa process ng pagbabago.
“Alam mo ang mga mali mo and tinatama mo na ang mali. I’m 40, and kailangan na yun,” ang punto pa ni Paolo Contis na ang huling nakarelasyon ay ang aktres na si Yen Santos.
May mga tsismis na nabuntis umano ni Paolo si Yen at nanganak na kamakailan. Pero wala pa itong kumpirmasyon mula sa dating magkarelasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.