LJ Reyes naka-follow sa IG ni Kim Chiu, ‘boto’ para kay Paulo Avelino?
USAP-USAPAN sa social media, lalo na sa X (dating Twitter) ang pag-follow ni LJ Reyes sa Instagram page ni Kim Chiu.
Karamihan sa kanila, tuwang-tuwa at kinikilig dahil tila botong-boto si LJ sa Chinita Princess na shini-ship ng fans sa batikang aktor.
Matagal nang hiwalay si LJ kay Paulo, pero mayroon silang anak na si Aki.
At kahit kasal na si LJ sa non-showbiz husband na si Philip Evangelista ay may nanatiling magkaibigan ang una sa aktor.
Baka Bet Mo: Kim Chiu, Jackie Gonzaga nag-iyakan dahil sa mga ex-dyowa
Samantala, nag-umpisa ang tambalang KimPau nang bumida sila sa TV series na “Linlang” at nasundan pa ng Philippine adaptation na “What’s Wrong with Secretary Kim?” kung saan lalo silang shinip ng kanilang fans.
Ilang beses nang spotted na magkasama si Kim at Paulo, pero until now ay hindi pa nila inaamin ang kanilang real score.
LJ Reyes is now Following Kim Chiu. pic.twitter.com/kgBgWdk0F8
— Oscar Brad Recabar (@theoscarbrad) August 8, 2024
Anyway, narito ang ilang mga posts ng netizens na masayang-masaya dahil tila “aprub” si Kim kay LJ:
“My heart goes shalalala naman [emojis] so sweet naman ni LJ!”
“HALA HALA HALAAAAAAA!!! KAKILIG OY! [emojis]”
“It’s a big sign. I think palagay na para sa anak ang puso ng isang nanay [emojis]”
“Wow parang boto si ate ahhh!!! Pano kasi ang bait naman talaga ni Kimmy [emojis]”
“Super kilig [smiling face with hearts emoji] that is such a sweet gesture coming from her [ red heart emoji] abang abang tayo sa follow back haha.”
“She knows her son will be in good hands with her…#Kim Chiu…”
“Wait! Paano kumalma LJ Reyes is now following Kim [smiling face with heart eyes emoji] Aw so confirmed talaga eyy”
“Every visit ko sa account ni LJ at Kimmy isa talaga ‘to inaabangan ko. Finally, nangyari na nga. Waiting nlng sa follow back ng isang intsik [heart hands emoji].”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.