Kim Chiu, Jackie Gonzaga nag-iyakan dahil sa mga ex-dyowa

Kim Chiu, Jackie Gonzaga nag-iyakan dahil sa mga ex-dyowa

Ervin Santiago - July 24, 2024 - 01:00 AM

Kim Chiu, Jackie Gonzaga nag-iyakan dahil sa mga ex-dyowa

Jackie Gonzaga at Kim Chiu

NAGKAIYAKAN sina Kim Chiu at Jackie Gonzaga sa episode ng “It’s Showtime” nitong nagdaang Lunes nang mapag-usapan ang tungkol sa mga ex-dyowa.

Unang napaluha si Jackie na kilala rin sa tawag na Ate Girl, nang tanungin siya ni Vice Ganda sa “EXpecially For You” segment about her ex-boyfriend.

Simulang pag-uusisa ni Vice kay Jackie kung ipakikita ba niya ang kanyang bagong dyowa kapag nakasalubong nila ang kanyang ex-BF.

Baka Bet Mo: Payo ni Vice kay Jackie dapat laging pasabog; endorser na rin ngayon

Nag-yes ang TV host-dancer at dapat lang daw niyang ipagmalaki ang kaniyang bagong partner.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kim Chiu 🌸 (@chinitaprincess)


“Siguro ako kung ganoon na ‘yung mindset ko na, ‘Kung makita mo, makita mo,’ siguro wala na akong paki sa mararamdaman mo. Hindi ko na iniisipin. Basta ako ito. Ito meron ako ngayon. Proud ako dito,” aniya.

Tanong uli ng TV host-comedian kay Jackie, “Pag-uwi mo o kaya paglabas natin ng ABS-CBN, nakasalubong mo siya may kasama ng iba, iiwas ka?”

Sagot ni Jackie, “Iiwas ako tapos iiyak na lang ako pag-uwi.” Kasunod nito ang biglang pagtulo ng luha ng dalaga sabay pahid sa kanyang mga mata.

Hindi rin napigilan ni Kim na maging emosyonal nang tanungin naman siya ni Jackie ng, “Ate Kim, ano ba ang dapat gawin kung makikita mo, sa estado ng pagkatao mo ngayon makikita mo siya sa hallway kasama na niya ‘yung bago niya. Anong gagawin mo, Ate Kim?”

Baka Bet Mo: Promise ni Jackie kay Vice sa ‘LU’ viral video: Next time mag-iingat na ‘ko

Nag-joke muna si Kim at nagbigay kunwari ng hotline number na pwede niyang tawagan saka kumuha ng tissue sa hawak ni Vhong na box.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jackie Gonzaga (@jackiegirlg)


Kasunod nito, hindi na niya napigilang maiyak, “Haharap siyempre. Ganoon talaga hindi ka dapat tumatalikod sa mga bagay na magpapalakas sa iyo.”

Nagyakap and dalawang female host ng “It’s Showtime” sabay pahid ng kanilang mga luha. Pati ang studio audience ay napaluha na rin dahil kina Kim at Jackie.

Reaksyon ni Vice, “Diyan ako proud sa dalawang iyan. Masakit man, hinaharap nila. Kayang harapin, kahit hindi masyado sila komportable, hindi nag aano back-out, hindi iyan tumatalikod. Harapin natin ito. Kaya mga strong women iyang dalawang iyan.”

Matatandaang naiyak din si Ate Girl sa isang episode ng kanilang noontime show nang ibahagi niya ang mga ginawang sakripisyo sa ngalan ng pag-ibig.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nito namang nakaraang December, 2023 nang kumpirmahin nina Kim at Xian Lim ang kanilang paghihiwalay.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending