Jackie Gonzaga binuko ni Vice Ganda, single na rin kaya?

Jackie Gonzaga binuko ni Vice Ganda, single na rin kaya?

Therese Arceo |May 09,2024
facebook
share this

Jackie Gonzaga binuko ni Vice Ganda, single na rin kaya?

Therese Arceo - May 09, 2024 - 12:08 AM

Jackie Gonzaga binuko ni Vice Ganda, single na rin kaya?

USAP-USAPAN ngayon sa social media kung true ba na hiwalay na ang isa sa mga “It’s Showtime” hosts na si Jackie Gonzaga at ang dating miyembro ng Hashtags na si Tom Doromal.

Ito ay matapos ang tila “paglaglag” ng Unkabogable Star na si Vice Ganda tungkol sa estado ng relasyon ngayon ng dalaga habang nagho-host sila ng “EXpecially For You” nitong Lunes, May 6.

Nagsimula ito nang biglang ayain nila Vice na muling sumalag bilang searcher ang kanilang guest na si Ryan.

Baka Bet Mo: Jackie Gonzaga sinuwerte dahil sa pakikipagbardagulan kay Vice Ganda

Kasunod nito ang kulitan kung saan nag-volunteer sina MC at Lassy na maging searchee sa pgsalang ni Ryan.

Dito ay pabirong humirit si Vice at sinabing pwede ring sumali si Jackie bilang isa sa mga searchee.
“Sabihan mo lang sa akin kung ready ka na. ‘Di ba sabi ko sayo, I will give you time,” saad ni Vice.

Biniro pa nga ni Kim si Jackie ag sinabi na paiyak na ang kasamahan.

“Eh kasi wala rin closure, charot!” hirit pa ni Vice.

Ngunit ang simpleng kulitan ay tila naglabas ng totoong feelings ni Jackie dahil tuluyan na nga itong naiyak kaya naman nagyaya ang mga ito ng group hug.

Hindi naman kinalimutan ng mga kapwa hosts na iparamdam sa dalaga na mahal nila ito.

Kaya naman hindi mapigilan ng mga netizens ang magbigay komento matapos mapanood ang pagiging emosyonal ni Jackie.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May ilan na nagtanong kung totoo ba na hiwalay na sila ni Tom na ilang taon na rin niyang karelasyon.

Samantala, mukhang may chance na sumalang si Jackie sa naturang segment dahil nagtuloy pa ang kanilang biruan ni Vice hanggang sa segment na “Tawag Ng Tanghalan”.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending