Resbak ni Ate Girl Jackie sa bastos na basher: Pasmado bibig mo? Try mo lagyan ng alcohol

By Ervin Santiago September 24,2020
share this

Resbak ni Ate Girl Jackie sa bastos na basher: Pasmado bibig mo? Try mo lagyan ng alcohol

By Ervin Santiago September 24,2020 - 09:12 AM

ISA-ISANG sinupalpal ni Jackie Gonzaga o mas kilala bilang si Ate Girl ng “Showtime”, ang mga nam-bash sa kanyang TikTok video kasama ang boyfriend na si Tom Doromal.

Sinagot ng dalaga ang mga netizens na nagsabi sa kanya ng kung anu-anong kanegahan tulad ng “feeling virgin”, “sobrang green” at “feeling intelligent”.

May mga IG users kasi ang nabastusan sa isang Tiktok video ni Jackie habang sumasayaw sa loob ng kwarto kasama ang dyowang si Tom Doromal na  dating member ng Hashtags.

Komento ng isang nakapanood nito,  “Nag Tiktok ba naman sa kwarto kita ang kama at unan pwede naman cguro sa sala para di ka masabihan ng di maganda lalo at single ka pa kamo ate girl. Isip isip ka din.”

Bwelta sa kanya ni Ate Girl, “Pag po hindi kasal ang isang tao ang civil status niya single. Yun po ang pinag-uusapan kanina (sa Showtime) kung sino ang hindi pa kasal. Never naman naging secret na I’m in a relationship.

“Comment ko nalang kasi pag nirereplyan ko comments ng iba dinedelete haha sad. So yeah here it is, peeps. Reply ko na to sa mga comment niyo at sa balak pang icomment.

“Dami ko din oras replyan tong mga to. Mga hindi nagiisip. Sarap iparent utak haha,” aniya pa.

Ito naman ang resbak ng dalaga sa nagsabing may pagka-green siya at feeling virgin, “Green talaga? I just don’t tolerate disrespectful people.

Katulad mo ate. Pasmado bibig mo? Try mo alcohol bibig mo hindi maganda mga salita mo. What happened to women empowerment now?”

Samantala, may nambasag din kay Jackie at sinabing, “Napansin ka lang naman dahil kay Vice Ganda kaya wag ka nga masyado mayabang na parang alam mo na lahat.”

Hirit sa kanya ng dalaga, “Paano naging mayabang? Hahaha ang pagsagot sa mga bastos na tao mayabang po agad? Hala. Okay sige po mas alam niyo po lahat tungkol sa amin eh hahahah sige na. Ikaw na. Wag ka na umiyak. God bless you.”

Kung may mga nangnega kay Ate Girl marami rin naman ang nagtanggol sa kanya at nagsabing saludo sila sa tapang ng dalaga dahil talagang sinasagot nito ang mga bastos na bashers.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending