Ex-couple nagkabalikan sa EXpecially For You, 3 searchee nganga

Dating magdyowa nagkabalikan sa EXpecially For You, 3 searchee nganga

Ervin Santiago - June 23, 2024 - 12:55 PM

Dating magdyowa nagkabalikan sa EXpecially For You, 3 searchee nganga

Dudong at Bibe

NAGKABALIKAN ang dating magdyowa na sumalang sa nakaraang “EXpecially For You” segment ng Kapamilya program na “It’s Showtime.”

Mas pinili pa rin nina Dudong at Bibe ang isa’t isa nang mabigyan ng pagkakataon na magkausap muli at maayos ang hindi pagkakaintindihan na naging dahilan nga ng kanilang hiwalayan.

Bago tuluyang matapos ang naturang segment, nakagets ng tig-iisang green flag ang mga searchee na sina Ed, Jim at John na siyang pinagpipilian ni Bibe.

Kaya naman tinanong ng “It’s Showtime” host na si Vice Ganda ang ex-boyfriend ng searcher na si Dudong kung sino sa tingin niya ang dapat piliin ni Bibe.

Baka Bet Mo: Tanong ni Vice, masamang tao ka ba kung gusto mo nang makipaghiwalay?

“Okay, for the very first time in the history of ABS-CBN’s ‘Its Showtime’ ‘Expecially For You’, dahil lahat may green flag, isasama natin ang iyong ex,” pahayag ni Vice Ganda.

“Kung kasama ang iyong ex na si Dudong sa pagpipilian isa pa rin ba ang iyong ex sa pipilin mo o si Dudong na lang ulit?” tanong naman ng TV host-comedian sa searcher.

“Si Dudong na lang ulit,” ang sagot ni Bibe. Patuloy niya, “Lahat naman sila okay sa akin.

“Kaya lang napag-isip-isip ko, si Dudong, alam na niya ang ugali ko, alam na niya ang ugali ko kung paano ako maging moody, kaya napag-isipan ko na why not na pagbigyan ko naman ulit ‘yung pagmamahalan namin na pinutol ko,” esplika ni Bibe.

Baka Bet Mo: EXpecially For You searcher dinedma red flags ng dyowa: Iniiyak ko lang!

Sa gitna ng sigawan sa studio, sinang-ayunan din ni Dudong ang desisyon ni Bibe, “Para sa akin po, siya pa rin wala ng iba.”


Mensahe ni Dudong kay Bibe, “Pangako, babawi ako sa ‘yo, mahal na mahal kita. Ikaw lang ang babaeng nagpasaya sa akin, wala nang iba.

“Ikaw lang ang minahal ko ng totoo, handa akong ipagpatuloy kung ano ang nasira ko noon, para lang mabalik ‘yung pagmamahal at tiwala mo sa akin,” dagdag ni Dudong.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sabi naman ng dalaga sa nakabalikang ex, “Sana Dudong, konting oras na lang. Kung magkakatrabaho ka ulit, lalawakan ko na lang ang pag-intindi ko sa iyo para sa pamilya mo.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending