EXpecially For You searcher dinedma red flags ng BF: Iyak lang

EXpecially For You searcher dinedma red flags ng dyowa: Iniiyak ko lang!

Ervin Santiago |May 09,2024
facebook
share this

EXpecially For You searcher dinedma red flags ng dyowa: Iniiyak ko lang!

Ervin Santiago - May 09, 2024 - 10:34 AM

EXpecially For You searcher dinedma red flags ng dyowa: Iniiyak ko lang!

Vice Ganda at Juliana

SAMPUNG taon nang single ang female searcher na sumalang sa nakaraang episode ng “EXpecially For You” segment ng “It’s Showtime” sa ABS-CBN.

Ibinahagi ni Juliana sa madlang pipol ang mga naging karanasan niya sa kanyang 10-year relationship with her ex-boyfriend.

Ayon sa dalaga, sa kabila raw ng mga redflag na nakikita niya sa dating dyowa ay nagbulag-bulagan lang siya dahil may mabubuti at magagandang qualities din naman ang guy.

“Nu’ng start kasi, sweet, butterflies, hanggang naging langaw. Tapos nag-end up ng painful pero nabawi rin naman,” ang pahayag ni Juliana habang ini-interview ng mga host ng programa.

Baka Bet Mo: Vice sa mga lalaking irereto kay Kim: Hindi pwedeng basta-basta lang!

Aniya, siya rin daw ang mas ma-effort sa kanilang relasyon, “More on ako ‘yung sweet e,’ nag -eefort ako sa kaniya, pinupuntahan ko, ayun nga pinapahiran ko ng panyo kapag pinapawisan.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by It’s Showtime (@itsshowtimena)


In fairness, na-appreciate naman daw niya ang effort ng dating karelasyon lalo na noong nagsisimula pa lamang ang kanilang love story.

“Kasi that time college kami pareho, tapos working student ako, so na-appreciate ko kapag nag-spend siya sa akin ng time and effort.

“Halimbawa kapag kakain kami sa labas na kahit na alam kong allowance lang ‘yung meron siya, nag e-effort siya na kumain kami  ng chicken. Kung wala naman budget, siomai ganu’n,” aniya.

Pag-amin pa ng dalaga, “Tingin ko kasalanan ko rin na sinanay ko siya, na akala niya okay lang ng ako ng ako, na-baby.

“Kasi may time rin na, kasi bata pa kami, may one time na one bouquet or one flower lang ang mga gift niya na little things, kaya lang minsan mas madalas wala.

Baka Bet Mo: KZ Tandingan nahirapan nang bongga bilang coach sa ‘The Voice Kids’: ‘This is gonna affect on how I’m going to be a mother’

“Kasi ako na-appreciate ko talaga ang mga small things so may one time na nagwo-work na siya, binigyan niya ako ng Pandora, nawala ‘yung pagiging Disney Princess (sabay tili) ganu’n ang sigaw ko! Gulat na gulat ako!” sey pa ni Juliana.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin)


Pagpapatuloy pa ng searcher, “May natandaan naman talaga akong smart, family-oriented and sweet. Never siya nagtaas ng boses sa akin, hindi kami nag-aaway for 10 years.

“Na-confuse na rin ako noon sinasabi ng friends ko na ‘Bakit kaya ganun, hindi kayo nag-aaway,  akala ko normal kasi first boyfriend ‘yun pala hindi,” pahayag ni Juliana.

Nag-start daw na magkalabuan sila ng guy, ‘”Yung effort, parang more on effort talaga.”

Tanong sa kanya ni Vice Ganda, “Hindi siya ma-effort sa relationship, napapansin, nakikita, nararamdaman mo ‘yun, pero hindi mo sinasabi sa kaniya. Kapag napapansin mo ‘yun hindi ka nalulungkot ay eto talaga walang effort. Paano mo dini-deal ‘yung ganung klaseng jowa?”

“Ang hirap to be honest. Kasi minsan mag e-expect ka ng may date kayo, ako na nga mag-set up minsan e kung saan kami magdi-date.

“Tapos hindi niya na-appreciate. Sinasabi ko sa sarili ko na baka pagod lang. Baka walang budget , baka busy lang. So ako lang ‘yung palaging nag-a-adjust noon, ‘yun ang iniisip ko. Pero ang mali ko hindi ko sinasabi,” saad ni Juliana.

Ang problema lang daw, never niyang in-open sa dating dyowa ang kanyang nararamdaman, hanggang sa kuwestiyunin na rin niya ang sarili.

“Hindi ko tinanong e, iniiyak ko na lang siya palagi. Question ko ‘yun e, kung hindi na ba ako maganda, tumatanda na ba ako, naumay ka na ba sa akin, or may iba na ba? Paulit-ulit ‘yun sa akin ang mali ko talaga hindi ko tinanong hindi ko sinabi” pag-amin ni Juliana.

Nang masangkot siya sa isang aksidente, doon na raw niya na-realize na kailangan na niyang tapusin ang relasyon nila ng kanyang BF.

“Iyun na ‘yung nagbago sa akin. Ang dami kong na-realize na bakit ko ginagawa sa sarili ko ‘to, bakit ako nag-settle dito sa relationship. Alam kong nahe-hurt ko rin siya, ‘yung family ko.

“Tapos na open ‘yung mind ko na may nagmamahal naman sa akin, siya kapatid ko, si mother, and ‘yung kuya ko, doon na ako nagbago, cut ko na rin,” pahayag pa ni Juliana.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa nasabing episode ng “EXpecially For You” ang napiling ka-date ng dalaga ay isang neurosurgeon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending