Eat Bulaga pinadapa ng Showtime sa unang pag-ere sa GMA

Eat Bulaga ng TVJ pinadapa ng It’s Showtime sa unang pag-ere sa GMA

Ervin Santiago |April 08,2024
facebook
share this

Eat Bulaga ng TVJ pinadapa ng It’s Showtime sa unang pag-ere sa GMA

Ervin Santiago - April 08, 2024 - 12:32 PM

Eat Bulaga ng TVJ tinalbugan ng It's Showtime sa unang pag-ere sa GMA

It’s Showtime hosts, Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon

KINABOG nang bonggang-bongga ng “It’s Showtime” sa ratings game ang “Eat Bulaga” sa naging bakbakan nila nitong nagdaang Sabado, April 6.

Waging-wagi ang unang pag-ere ng noontime show ng ABS-CBN sa GMA 7 matapos itong makapagtala ng 9.6% Agrregated Ratings mula sa AGB Neilsen NUTAM (GMA-7, GTV, A2Z, at Kapamilya Channel).

Ang “Eat Bulaga” naman nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon na napapanood sa TV5 at RPTV ay nakakuha ng 4.4% Agrregated Ratings. Meaning, mahigit kalahati ang lamang ng “It’s Showtime” sa “Eat Bulaga.”

Baka Bet Mo: Pag-ere ng It’s Showtime sa GMA 7 plantsado na, pero may kumokontra

Actually, inaasahan na ng marami na matatalbugan ng programa ng pinagsanib na pwersa ng ABS-CBN at GMA ang longest-running noontime show sa Asia dahil inabangan at tinutukan talaga ito ng Madlang Kapuso.

Naging top trending topic din sa iba’t ibang social media platforms sa Pilipinas at worldwide ang bawat segment ng programa, kabilang na ang kanilang opening production number.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JUGS Jugueta (@jugsjugsjugs)


Pak na pak ang pasabog na performance ni Vice Ganda kung saan umupo pa siya (special effects lang) sa tuktok ng GMA logo sa building ng Kapuso Network.

Hataw kung hataw din ang iba pang hosts ng “It’s Showtime” kabilang na sina Anne Curtis, Vhong Navarro, Jhong Hilario, Karylle, Kim Chiu, Ogie Alcasid, Amy Perez, Darren Espanto, Jugs Jugueta, Teddy Corpuz, Ryan Bang, Jackie Gonzaga, MC, Lassy, Ion Perez at Cianne Dominguez.

Baka Bet Mo: Team Vice, Team Anne bardagulan sa Family Feud; bakit wala si Karylle?

Naki-join naman sa “Karaokids” segment ang Kapuso stars na sina Gabbi Garcia, Sanya Lopez, Glaiza de Castro, Jillian Ward, Mark Bautista, Christian Bautista, Jake Vargas, Mikee Quintos, Nadine Samonte, at Chanty.

Isa pa sa nag-trending at nag-viral ay ang pagsalang ni Michelle Dee sa “EXpecially For You” segment kung saan nakasama pa niya ang inang si Miss International 1979 Melanie Marquez.

Kapansin-pansin din ang napakaraming commercial ng noontime show last Saturday.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang tanonggggg: Magtuluy-tuloy kaya ang winning moments ng “It’s Showtime” laban sa “Eat Bulaga”? Yan ang dapat nating abangan!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending