Team Vice vs Team Anne: Bardagulan sa Family Feud

Team Vice, Team Anne bardagulan sa Family Feud; bakit wala si Karylle?

Ervin Santiago - March 27, 2024 - 12:30 AM

Team Vice, Team Anne: Bardagulan sa Family Feud; bakit wala si Karylle?

Vice Ganda, Anne Curtis at Karylle

TULOY na tuloy na ang bakbakan ng mga “It’s Showtime” hosts sa Kapuso game show na “Family Feud” hosted by Dingdong Dantes.

Nakapag-taping na last Saturday ang mga taga-“Showtime” sa naturang programa kung saan hinati sila sa dalawang grupo — ang Team Vice Ganda at Team Anne Curtis.

Ka-join sa Team Vice sina Jhong Hilario, Amy Perez at Jugs Jugueta at napunta naman sa Team Anne sina Vhong Navarro, Ogie Alcasid, at Teddy Corpuz.

Baka Bet Mo: Gerald pinahirapan nang bonggang-bongga ni Dingdong sa ‘Family Feud’: ‘Ano ba? Seryoso!?’

Ayon sa aming source, enjoy na enjoy daw si Dingdong at ang buong staff sa paglalaro at pagbabardagulan ng mga players from “It’s Showtime” family.

Abangan daw ng mga Kapuso viewers ang mga nakakalokang okrayan ng magkalabang grupo lalo na ang batuhan ng punchlines nina Tyang Amy na nasa Team ni Vice at ni Ogie na nasa grupo naman ni Anne

Kung hindi na magbabago ang naunang plano, sa April 8 na raw mapapanood ang naturang “FF” episode, dalawang araw pagkatapos ng pagsisimula ng “It’s Showtime” sa GMA sa April 6.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by It’s Showtime (@itsshowtimena)


Marami naman ang nang-intriga at nagtatanong kung bakit wala raw si Karylle sa mga taga-“Showtime” na naglaro sa “Family Feud”.

Baka Bet Mo: Boy Abunda takot na takot mag-guest sa ‘Family Feud’ ni Dingdong: Baka kasi lumabas ‘yung pagkatanga ko!

Umiwas na naman ba ang aktres at TV host sa ex-boyfriend niyang si Dingdong Dantes?

Noong nag-promote daw kasi sina Dingdong at Marian Rivera ng “Rewind” sa “Showtime” ay absent din si Karylle.

Samantala, sa labanan naman ng ratings game, natalo ng “It’s Showtime” ang “Eat Bulaga” nitong nagdaang Sabado, March 23, base sa latest result ng NUTAM People Ratings.

Last Friday, March 22, nakakuha ng 4.2% ang “Eat Bulaga” habang ang “Lunchtime Movie Hits” ay naka-4%, at ang “It’s Showtime” ay naka-3.8%.

Ngunit nitong Sabado nga, March 23,  nanguna ang “It’s Showtime” with 4.4%, at ang “Eat Bulaga” ay 4.2% habang 4.1% naman ang “Lunchtime Movie Hits”.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Well, abangan na lang natin sa April 6 ang mangyayaring bakbakan sa pagitan ng “It’s Showtime” na mapapanood na sa ABS-CBN, GTV at GMA 7 at ng “Eat Bulaga” sa TV5.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending