Dingdong abangers na kina Vice, Anne, Gabby sa 'Family Feud'

Dingdong abangers na kina Vice, Anne, Gabby at JenDen sa ‘Family Feud’

Ervin Santiago |March 14,2024
facebook
share this

Dingdong abangers na kina Vice, Anne, Gabby at JenDen sa ‘Family Feud’

Ervin Santiago - March 14, 2024 - 06:50 AM

Dingdong abangers na kina Vice, Anne, Gabby at JenDen sa 'Family Feud'

Vice Ganda at Dingdong Dantes

IN FAIRNESS, nananatili pa rin ang “Family Feud” hosted by Dingdong Dantes bilang isa sa mga top-rating show ng GMA 7.

Wala pa ring makapagpatumba sa naturang programa na ilang taon na ngayong namamayagpag sa ere kaya naman feeling thankful and grateful si Dingdong sa lahat ng Kapuso viewers.

Ang maganda pa sa “Family Feud”, pwedeng-pwede silang mag-guest ng mga artista mula sa ibang TV Network.

Baka Bet Mo: Sa wakas, Gerald Anderson mapapanood na sa GMA 7; mapapalaban sa ‘Family Feud’ kasama si Kylie Padilla

Ilan sa mga Kapamilya stars na nakapaglaro na sa programa ay sima Joshua Garcia, Nikki Valdez, Gerald Anderson at marami pang iba.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dingdong Dantes (@dongdantes)


Sa isang panayam ay natanong si Dingdong kung sino pa ang gusto niyang maging guest at maglaro sa “Family Feud.” Isa sa nabanggit niya ay ang mga hosts ng “It’s Showtime” sa pangunguna ni Vice Ganda, Vhong Navarro at Anne Curtis.

“Yes, yung grupo ng Showtime, dahil matagal na namin silang inaabangan. Si JenDen (Jennylyn Mercado at Dennis Trillo). Kasi dati si Barbie (Forteza) at saka si David (Licauco), naglaro na. JenDen na lang. Naku, si Mr. Gabby Concepcion pa!” sagot ni Dingdong.

Sey pa ni Dong, nag-eenjoy din daw ang kanyang anak na si Zia sa “Family Feud” at talagang nakikisagot din sa survey. Sa katunayan, naglalaro rin daw sila sa bahay ng “Family Feud.”

Napapanood pa rin ang naturang game show tuwing 5:40 ng hapon sa GMA.

* * *

Kasabay ng mainit na panahon, mas mag-aalab din ang bawat eksenang mapapanood sa Vivamax sa pagdating ng pelikulang “Kalikot.”

Samahan sina Shiela Snow, Arah Alonzo, at Van Allen Ong sa kanilang mga mapanuksong tagpo sa “Kalikot,” streaming na ngayon sa Vivamax.

Mula sa direksyon ni Temi Cruz Abad, ang Kalikot ay kwento ng isang part-time auto mechanic na hindi lang sa pag-aayos ng mga sasakyan nahuhumaling, kundi pati na rin sa isang dalagang nakatira sa tapat ng auto shop.

Baka Bet Mo: Boy Abunda takot na takot mag-guest sa ‘Family Feud’ ni Dingdong: Baka kasi lumabas ‘yung pagkatanga ko!

Gaganap si Van Allen Ong bilang si Arnold, isang Mechanical Engineering student na nagpapart-time sa auto shop ng tiyuhin habang semester break. Habang nasa trabaho, makikita niya at agad na mahuhulog sa ganda ni of Salve, a.k.a. Sal (Shiela Snow), ang bagong lipat na dalaga sa apartment building na nasa tapat ng shop.

“Magkakagusto nang sobra si Arnold kay Salve na kahit na sa mga sexual encounters nito kasama ang no-strings-attached partner at classmate na si Jenna (Arah Alonzo), si Salve pa rin ang naiisip niya.

Aayon ang pagkakataon kay Arnold nang magpaayos ng sasakyan si Salve sa kanilang shop at siya ang nag-asikaso rito.

Dahil dito, mas titindi pa lalo ang nararamdaman ng binata para kay Salve, at hindi ito maiiwasang mapansin ni Salve. Magkakaroon sila ng sikretong relasyon na mas pakokomplahin pa nang malaman ni Arnold na si Salve ang bago nilang professor sa college

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Anong kahihinatnan ng relasyon na nagsimula sa pagkasabik at pagnanasa? Ano pang mga sikreto at surpresa ang mga madidiskubre ni Arnold tungkol kay Salve? Magustuhan pa rin kaya niya ito o magmimistulang bangungot ang mararanasan niya dahil dito?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending