Boy Abunda takot na takot mag-guest sa 'Family Feud' ni Dingdong: Baka kasi lumabas ‘yung pagkatanga ko! | Bandera

Boy Abunda takot na takot mag-guest sa ‘Family Feud’ ni Dingdong: Baka kasi lumabas ‘yung pagkatanga ko!

Ervin Santiago |December 27,2022
facebook
share this

Boy Abunda takot na takot mag-guest sa ‘Family Feud’ ni Dingdong: Baka kasi lumabas ‘yung pagkatanga ko!

Ervin Santiago - December 27, 2022 - 07:38 AM

Boy Abunda takot na takot mag-guest sa 'Family Feud' ni Dingdong: Baka kasi lumabas ‘yung pagkatanga ko!

Dingdong Dantes at Boy Abunda

DIRETSAHANG inamin ng King of Talk na si Boy Abunda na natatakot siyang mag-join sa Kapuso game show na “Family Feud” hosted by Dingdong Dantes.

Ngayong nasa GMA 7 na si Tito Boy, asahan ang mga guesting niya sa iba’t ibang Kapuso show para i-promote ang gagawin niyang talk show na mapapanood na sa pagpasok ng 2023.

Sa pamamagitan ng isang recorded video, nagbigay ng mensahe si Dingdong para sa talent manager at award-winning TV host na ipinalabad sa mediacon na ibinigay sa kanya ng GMA 7.

“Welcome back Tito Boy, nakakatuwa po na magkasama na tayo ulit sa iisang tahanan and I’m looking forward to see you hopefully as a guest in your future GMA projects at pwede ring you as a guest here in Family Feud,” pahayag ng Kapuso Primetime King.

Kaya naman tinanong namin ang nagbabalik-Kapuso kung kakasa ba siya sa hamon ni Dong sa kanya na maglaro sa nasabing game show.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kapuso PR Girl (@kapusoprgirl)


Sabi ni Tito Boy, ito nga raw ang mahigpit na pakiusap niya sa mga bossing ng GMA — huwag daw muna siyang i-line up bilang celebrity player sa top-rating game show ni Dingdong.

“When we were talking about…ah, the promo, pwede ba ‘yung Family Feud ‘wag na muna? Ha-hahaha! Baka kasi lumabas ‘yung pagkatanga ko, e!

“Kasi depende, ‘di ba, kung ano ang sinu-survey. Kapag tinanong mo ako, halimbawa, mga anime, ano ba naman ang alam ko du’n? Kapag tinanong mo ako ng Mobile Legends, ano ba naman ang alam ko.

“At saka ‘yung mga delikado ‘yung, ‘anong bahagi ng katawan ang nagsisimula sa letrang T?’ Wala akong preno, sasabihin ko pero ‘yung sagot naman, ‘di ba, t*t* din?

“Ha-hahaha! I’m sorry! Binleep na lang nila! So ‘yun ‘yung mga, ang dami kong takot du’n. Ang daming… pero gagawin ko ‘yon para malagpasan. Gagawin ko ‘yon talaga,” ang pahayag pa ni Tito Boy.

Pero pakiusap niya uli sa mga boss ng GMA, “Pwedeng ihuli n’yo muna ‘yon o kung pwede, wala na lang muna? Ha-hahaha! Nakakataranta ‘yon!” sey pa ng premyadong King of Talk.

Sundot na tanong namin, sinu-sino ang gusto niyang makasama kapag naglaro na siya sa “Family Feud”, sagot ni Tito Boy, sina Marian Rivera, Heart Evangelista at Ai Ai delas Alas.

Samantala, isa pa sa nagbigay ng mensahe sa pagbabalik ni Tito Boy sa GMA ay si Jessica Soho,  “Magkasama na tayo sa iisang network. Alam mo naman we are always good friends kahit ‘di tayo nagkikita and we go a long long way back siguro mga 30 years na marami ka pang buhok nu’n at mga bata pa tayo pero shhhh na lang para hindi tayo mahalata.

“Welcome back, I wish you all the good luck in the world. Good luck sa mga programang hahawakan mo at sa mga makakasama mo,” sabi pa ng GMA News pillar.

Sa naganap na contract signing event, ibinandera ni Tito Boy ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa GMA sa naging mainit na pagsalubong sa kanya bilang nagbabalik-Kapuso.

“Mula ho sa aking puso, maraming salamat po sa inyong tiwala. Sa aking kakayahan bilang isang presenter, bilang isang talk show host, bilang isang interviewer.

“Maraming salamat po sa iyong paniniwala po sa aking pagkatao. Maraming salamat po sa makapusong pagtanggap n’yo dito sa akin dito sa GMA-7. I am grateful,” pahaya pa ng nag-iisang King of Talk.

Dingdong gustong makasama sa serye si Jo Berry; iniba ang style ng pagho-host sa ‘Family Feud’

‘Totoo nga ang tsismis…nakaka-tense, nakakaloka, nakakanerbiyos at ang saya-sayang sumali sa Family Feud!’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

‘Hotdog’ na ang tawag ngayon ng netizens kay Mavy Legaspi dahil sa viral ‘Family Feud’ survey question

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending