'Totoo nga ang tsismis...nakaka-tense, nakakaloka, nakakanerbiyos at ang saya-sayang sumali sa Family Feud!' | Bandera

‘Totoo nga ang tsismis…nakaka-tense, nakakaloka, nakakanerbiyos at ang saya-sayang sumali sa Family Feud!’

Ervin Santiago |June 22,2022
facebook
share this

‘Totoo nga ang tsismis…nakaka-tense, nakakaloka, nakakanerbiyos at ang saya-sayang sumali sa Family Feud!’

Ervin Santiago - June 22, 2022 - 01:21 PM

Dingdong Dantes kasama ang Team Eds at Team That’s Entertainment

GRABE! Napatunayan na namin na talagang ibang klase nga ang kasikatan ng Kapuso game show na “Family Feud” hosted by Dingdong Dantes na napapanood tuwing hapon sa GMA 7.

Kahapon, June 21, ipinalabas ang episode kung saan isa kami sa naging contestant with Team Eds (entertainment editors) kasama sina Dondon Sermino (Abante), Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) at Ian Fariñas (People’s Tonight).

Nakatapat namin sa nasabing episode ang Team “That’s Entertainment” na kinabibilangan nina Ramon Christopher, Marilyn Villamayor, Ana Roces at Shirley Fuentes.

And I’m sure alam n’yo nang talunam kami sa laban. Ha-hahaha! Pero in fairness, kahit na-lost ang Team Eds, habangbuhay naming aalalahanin ang naging experience namin sa “Family Feud”.

At tama nga ang sinasabi ng mga sumasalang sa hit Kapuso game show na hindi talaga madali ang maging contestant sa programa tulad ng naranasan namin, pati na ng mga taga-“That’s Entertainment.”

As in matinding kaba at tensiyon din ang naramdaman namin sa simula ng programa pero nang tumagal na, na-enjoy na rin namin nang bonggang-bongga. Siguro dahil na rin yan sa presence ni Dingdong. Ha-hahaha!

At eto na nga, kahit hindi ko sinabihan ang mga kamag-anak ko at ilang friends na aapir ako sa “Family Feud” kahapon, aba, talagang napanood pa rin nila at super message talaga sila na nakatutok sila sa show with matching screenshots pa!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Family Feud Philippines (@familyfeudph)


May mga high school at college friends din kami na nag-text at nag-DM (direct message) na nagsabing watching din sila ng “Family Feud” sabay hingi ng balato. Wahhhhhh!

Ibig sabihin lang, totoong-totoo ang tsismis na hindi lang top answer ang pagiging number one ng “Family Feud” kundi the “only answer.”

At ito pa, nakakatuwang malaman na mataas din ang nakuhang rating ng episode ng “Family Feud” kahapon with 9.3%. Ha-hahaha!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Congrats Team Eds and Team That’s! Maraming salamat sa GMA, kay Dong at sa lahat ng bumubup ng “Family Feud.” Sana may “resbak episode” ang mga talunan para maka-join uli! Ha-hahaha!

Dingdong gustong makasama sa serye si Jo Berry; iniba ang style ng pagho-host sa ‘Family Feud’

Dingdong walang arte-arteng ipinaamoy ang kilikili sa contestant ng ‘Family Feud’

Dingdong sa pa-surprise ni Steve Harvey: Ito yung shoutout na ka-level ng pagbati ni Santa Claus sa mga bata kapag Pasko!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending