Dingdong gustong makasama sa serye si Jo Berry; iniba ang style ng pagho-host sa 'Family Feud' | Bandera

Dingdong gustong makasama sa serye si Jo Berry; iniba ang style ng pagho-host sa ‘Family Feud’

Ervin Santiago |March 16,2022
facebook
share this

Dingdong gustong makasama sa serye si Jo Berry; iniba ang style ng pagho-host sa ‘Family Feud’

Ervin Santiago - March 16, 2022 - 07:37 AM

Dingdong Dantes at Jo Berry

Dingdong Dantes at Jo Berry

KUNG may isang Kapuso actress na gustong makatrabaho ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes sa susunod niyang teleserye, yan ay walang iba kundi si Jo Berry.

Bilib na bilib kasi ang TV host-actor sa galing ng dalaga bilang aktres lalo na kapag napapanood niya ang pinagbibidahan nitong afternoon drama sa GMA 7 na “Little Princess.”

Isa si Jo Berry sa mga magiging celebrity contestant sa inaabangang pagbabalik ng pampamilyang game show na “Family Feud” hosted by Dingdong na magsisimula na sa Lunes, March 21.

Sa isang Instagram post ng mister ni Marian Rivera, nagkomento ang “Little Princess” lead star na agad namang sinagot ng TV host at dito nga niya nabanggit na looking forward siya na makatrabaho ang dalaga sa isang teleserye.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dingdong Dantes (@dongdantes)


“It was great to have you on the show! Sana makatrabaho naman kita sa isang drama soap balang araw,” ang mensahe ni Dong kay Jo with matching smiling face at praying hands emojis pa.

Sagot naman ni Jo sa award-winning actor, “@dongdantes nag enjoy po ako! Yes po! sana po magkatrabaho tayo sa isang drama soap.”

Samantala, bukod nga sa “Amazing Earth” na napapanood tuwing Linggo, araw-araw na ring mapapanood si Dingdong sa “Family Feud” bago mag-“24 Oras”.

“Ang pagkakaiba talaga rito yung aspeto na kahit na sabihin natin na ako yung host o game master, e, naglalaro din kasi ako,” sey Kapuso Primetime King.

“Kumbaga, kahit nagpa-facilitate ako ng game, kahit ako mismo nakikisama ako sa laro e. Dahil sobrang saya kasi niya. Talagang enjoy siya.

“Kaya kung isipin mo, kung paano siguro ako mag-conduct ng isang laro sa aming bahay, e, ganun din. Kasi, talagang kinu-consider ko ýung stage na yun as my home.

“Kung paano isipin ko, wini-welcome ko ‘tong mga families na ‘to, and yung mga families, kasi nakakatuwa yung mga unang guests namin, talagang kilalang-kilala ko, e.

“Ang dami naming napag-usapan, ang tagal na naming nagkakilala, nakikita mo parang magkakaibigang naglalaro,” pahayag ni Dong sa naganap na virtual mediacon ng “Family Feud” kamakailan.

Dugtong ng actor, “So, para sa akin, yung isang malaking pagkakaiba na hindi siya scripted. Hindi siya tipong may kailangan kang iparating na impormasyon.

“So, purely talaga gusto mo lang mag-enjoy. Gusto mo maglaro. Gusto mo makakilala ng bago. Game lang talaga.

“Iyon naman kasing Amazing Earth infotainment, informative talaga siya. So, kailangan accurate talaga lahat na kinukuwento mo, accurate talaga lahat ng impormasyong binibigay mo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Dito sa Family Feud, okay lang magkamali, okay lang madulas, matawa, kahit ano,” paliwanag pa ni Dingdong.

Dingdong Dantes magbabalik host ng ‘Family Feud’

Dingdong walang arte-arteng ipinaamoy ang kilikili sa contestant ng ‘Family Feud’

Jo Berry nagluluksa pa rin sa pagpanaw ng 3 mahal sa buhay; 2 ‘Bubble Gang’ babes susugod sa ‘TBATS’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending