‘Hotdog’ na ang tawag ngayon ng netizens kay Mavy Legaspi dahil sa viral ‘Family Feud’ survey question
HANGGANG ngayon ay natatawa pa rin kami sa viral video ni Mavy Legaspi nang maging contestant siya sa hit Kapuso game show na “Family Feud”.
Talaga namang nagpasabog ng good vibes ang nasabing guesting ng Kapuso actor at TV host sa programa ni Dingdong Dantes dahil sa nakakalokang sagot niya sa isang survey question.
Sa katunayan “hotdog” na ngayon ang tawag kay Mavy ng ilang netizens dahil sa naturang episode ng “Family Feud.”
At mismong si Mavy na ang nagpatunay na hanggang ngayon ay marami pa rin ang hindi maka-get over sa nag-viral niyang sagot dahil sa naging karanasan niya habang nasa isang mall.
Sa pamamagitan ng kanyang Twitter account, nag-post ang anak nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi nitong Lunes, November 28, tungkol sa nakakatawang experience niya matapos ngang mag-viral ang kanyang “Family Feud” video.
View this post on Instagram
Kuwento ng twin brother ni Cassy Legaspi, habang namamasyal daw siya sa isang kilalang shopping mall ay bigla na lang daw siyang tinanong ng isang nakasalubong niya ng survey question sa kanya ni Dingdong.
“Was walking around the mall and then someone said… MAVY, 1+1?” ang sabi ni Mavy sa kanyang tweet.
Sa mga hindi pa masyadong aware, mabilis na nag-viral sa social media ang video ni Mavy kung saan “hotdog” ang kanyang isinagot sa survey question ng game master na si Dingdong.
“Kapag nagbibiruan, anong kalokohan ang isinasagot sa’yo ng friend mo kapag tinanong mo siya ng one plus one?” ang tanong ni Dingdong kay Mavy.
Ilang segundo munang nag-isip si Mavy bago sumagot ng, “Hotdog!”
Humamig na ng mahigit 2 million views ang viral TikTok video na ito ni Mavy.
Nakasama ni Mavy sa nasabing episode ng “Family Feud” sina Julie Anne San Jose, Rayver Cruz at Derrick Monasterio para sa Team Limitless.
Dingdong gustong makasama sa serye si Jo Berry; iniba ang style ng pagho-host sa ‘Family Feud’
Andrea Brillantes trending sa soc med, tumikim ng ‘mantika’: Sinabawang hotdog supremacy
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.