Gerald pinahirapan nang bonggang-bongga ni Dingdong sa 'Family Feud': 'Ano ba? Seryoso!?' | Bandera

Gerald pinahirapan nang bonggang-bongga ni Dingdong sa ‘Family Feud’: ‘Ano ba? Seryoso!?’

Ervin Santiago |April 10,2023
facebook
share this

Gerald pinahirapan nang bonggang-bongga ni Dingdong sa ‘Family Feud’: ‘Ano ba? Seryoso!?’

Ervin Santiago - April 10, 2023 - 01:04 PM

NABIKTIMA nang bonggang-bongga ang Kapamilya hunk na si Gerald Anderson sa nakalalokang prank na ginawa sa kanya ni Dingdong Dantes sa “Family Feud.”

Tawang-tawa kami sa naging reaksyon ni Gerald habang sinasagot ang mga pasabog na tanong ni Dingdong para sa “Fast Money” round ng Kapuso game show.

Ngayong hapon mapapanood ang special guesting ng aktor sa “Family Feud” kung saan makakalaban ng kanyang team ang grupo ng leading lady niya sa pelikulang “Unravel” na si Kylie Padilla.

Pero bago nga ito ay nagpatikim muna ang production ng programa sa mga Kapuso viewers kung paano nila na-prank ang aktor na game na game pa ring sumagot sa mga napakahirap ng questions ni Dingdong.

Sa exclusive video na in-upload sa Instagram page ng “Family Feud”, ipinakita ang paglalaro ni Gerald sa “Fast Money” round kung saan sinabi ni  Dingdong na kailangan pang makakuha  ng 150 points ng binata para makuha ang jackpot prize.

Unang tanong pa lang ay tila naguluhan at na-shock na si Gerald, “Sa isang taon, ilang beses ka gumagamit ng toothpick?” Na sinagot niya ng “50 times.”

Baka Bet Mo: Dingdong gustong makasama sa serye si Jo Berry; iniba ang style ng pagho-host sa ‘Family Feud’

Sinundan pa ito iba pang kakaibang tanong tulad ng favorite dessert ng mga preso, average height ng giraffe, iba pang bagay bukod sa halaman na kulay green, at ilang araw ang biyahe patungong Mars.

Pero in fairness, kahit mahihirap ang tanong ay game na game pa rin itong sinagot ni Gerald. Inamin ni Gerald na nagulat at nahirapan siya sa mga tanong.

Kasunod nito, nagpasalamat si Dingdongsa aktor sabay bumaling sa audience kabilang na si Kylie at iba pa nilang kasamahang celebrity na nagsigawagan ng, “It’s a prank!”

“Ano ba?! Seryoso?!” ang natatawa at hindi makapaniwalang sabi ng boyfriend ni Julia Barretto.

Sabi ni Dong, bilib na bilib pa rin siya kay Gerald na “straight faced” pa ring sinagot ang mga tanong. Hirit naman sa kanya ni Kylie, “Hay, kawawa.”

Nag-congratulate naman si Gerald kay Dingdong at sa buong produksyon ng programa para sa first anniversary ng “Family Feud.”

Related Chika:

Boy Abunda takot na takot mag-guest sa ‘Family Feud’ ni Dingdong: Baka kasi lumabas ‘yung pagkatanga ko!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

‘Totoo nga ang tsismis…nakaka-tense, nakakaloka, nakakanerbiyos at ang saya-sayang sumali sa Family Feud!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending